first october post

Saturday, October 3rd, 2009

remembering lola sinte…..

today, october 3, ang 12th death anniversary ni lola sinte, ang mother ng aking mudra. we had a simple dinner at kwentuhan ng mga moments namin with her. hay :( 12 years na pala yun. nakakamiss talaga sya but i know she’s in a better place now. i miss you gwahmah!

i hate you ondoy!

monday, september 28, lumabas ako ng bahay para pumasok sa opisina at isang depressing na sight ang tumamban sa akin. ang bayan ng sta maria——grabe ang pinsala dahil sa bagyong ondoy.maraming mga daan ang may tubig baha pa at yung wala nang tubig ay puro naman putik. maraming gumuhong pader, marami ding mga establishments ang sarado dahil pinasok ng tubig ang kanilang mga tindahan at ang kanilang mga paninda ay nabasa at nasira. may mga sasakyan na tinangay ng malakas na tubig, mga bahay na nawasak, mga daan na nabitak, mga tulay na halos magiba, ang palengke ng sta maria na parang nalunod dahil sa taas ng tubig baha, mga ospital na pinasok ng tubig, hay hay talaga.

karamihan sa mga biktima ng bagyo ay nasa covered basketball court sa likod ng munisipyo ng sta maria at marami rin ang nagtiis na lang na pansamantalang tumigil sa kalsadang malapit sa itaas ng sta maria bridge. i hope bukod sa local government ng sta maria ay may iba pang magbigay ng tulong sa kanila. sana hindi naman sa NCR lang ang focus ng relief operations ng channel 2 at channel 7, sana naman ay tulungan din nila ang mga kababayan ko sa sta maria.

(mga larawan ay mula sa facebook)

Pinas, nasa state of calamity!

Nung byernes ay may-i-declare si panggulong GMA na ang pinas ay nasa state of calamity na at go signal na rin ito para magamit ang lahat ng available na  government resources sa pagtulong para sa mga biktima ng bagyong ondoy. i hope lang may natira pa sa resources na yan ha at hindi naubos sa mga travel ek ek at expensive dinner ng panggulo. nakakatawa lang kasi nung padating na ang bagyong pepeng eh nag-announce sa tv si presidentiable gilbert teodoro at GMA na inutos na daw ang paglilikas sa mga pamilyang nasa pasig at cainta para safe sila pagdating ni pepeng. eh di ba yung majority ng mga taga cainta at pasig eh nasa evacuation centers na. sino ang ililikas nila? flood waters? anu va!????

ang damage to property ng bagyong ondoy was so far pegged at 5.5 billion pesoses kaya ang haba na naman ng pila ng mga tao sa GSIS kiosk at PAG-IBIG Fund offices para mag-avail ng calamity loan. pero since loan yun, poproblemahin pa rin ng mga pinoy ang pagbabayad nito. wala kayang tulong na hindi utang? wala bang contingency funds na pwedeng makuhanan ng cash gift or anumang pwedeng ibigay para matulungan silang makabangon mula sa trahedya?

pero kilala namang survivor ang mga pinoy. at kahit pa nga mahirap at masakit, hindi susuko ang pinoy. and with God’s help, we will definitely survive this tragedy and wish ko lang na sana after this struggle, we come out stronger and wiser.

pahabol na birthday greetings!

happy birthday (relatives at friends)

abi natividad, joy laud at jared joaquin (october 1)

chico bermejo at laiza joaquin (october 2)

atty. ernie espino at honey espino-mendoza (october 3)