Archive for May, 2009

Ang Bad Joke ni Alec Baldwin

Wednesday, May 20th, 2009

Syempre, mainit ngayong pinag-uusapan ang ginawang joke ng hollywood star  na si Alec Baldwin about “getting a Filipina mail-order bride”. He made the ek ek joke habang sya ay iniinterview sa David Letterman Show. (Para mapanood ang video, please click this: Alec Baldwin sa David Letterman Show.)

Hay nakakaloka itong mga “porengers” na itesh ha. Napaka-racist nila. Grrr. Favorite na favorite nila na gawing subject ng kanilang jokes ang mga  Filipino. Kaka-high blood ever.

Of coz, bigla ko na namang na-remember ang pang-iinsulto ni Teri Hatcher sa diploma ng ating mga doctors. (Click this link for the video: Teri Hatcher Insults Filipino Doctors). Kaloka sya. Hindi ako nanood ng 2 seasons ng Desperate Housewives dahil sa kanya ever!

At mapo-forget ko ba ang Bristish TV show na “Harry and Paul” kung saan ininsulto nila ang mga Filipina maid. (Heto naman ang link ng video na yan: Harry and Paul Insults Filipinos). And just recently, ang HK Columnist na si Chip Tsao naman ang tumawag sa atin na “nation of servants”.

Hindi na nakakapagtaka ang mainit na reaksyon ng taong bayan sa bagong  pang-iinsulto na itesh. Ang ating mga mambabatas mismo ay nagpahayag na rin ng kanilang galit at pagkadismaya sa bad joke na ito ni Baldwin.

Sabi nga ng aking fave party-list rep na si Hon. Risa Hontiveros, “He totally doesn’t deserve a Filipina wife”.

Mega-react din ang ilan nating mga Senators at nanghihingi sila ng public apology kay Baldwin. I saw on TV si Sen. Loren Legarda and of coz, galit sya and she said, “Hindi for sale ang mga Filipina maski sa  mga Hollywood actors”. O deva naman! Taray!

Uy! Sumasali din sa controversy si Papa Senator Bong Revilla, sabi naman nya “isang kabastusan yan para sa ating mga kababayang Filipina. He should be responsible enough, hindi lang basta makapagpatawa lang sya.” Wow Sir! Plus 10 pogi points ka ha! Pa-kiss!

GABRIELA also reacted to the irresponsible joke of Baldwin. Sabi nga ni Ms. Joms Salvador, ang Spokesperson ng militant group, ang joke ni Baldwin ay hindi nakakatawa and it is disgusting. Giniit din niya na dapat ang ating gobyerno ang manguna sa paghingi ng “public apology” mula sa actor.

Ang wish  naman ni Ms. Ellene Sana ng Center for Migrants Advocacy ay “I hope he comes to the Philippines, meets a Pinay and get dump”.

Personally, nairita ako sa joke ever na itesh ni Alec Baldwin but at the same time, masakit, kasi alam ko na may grain of truth sa joke na yun. Aminin man natin o hindi, marami sa ating mga kababaihan ang napipilitang ikalakal ang sarili at pumasok sa trade na ito ng “mail-order-bride” dahil sa kahirapan . Hay ever.

Kahit nga may batas na tayo laban sa mail-order bride, human smuggling at trafficking, marami pa ring mga kababaihan ang nagiging biktima ng “negosyong” ito.

Ayon sa Republic Act No. 6955 o ang “Anti-Mail Order Bride Law of 1990″, facilitating or arranging a marriage between a Filipina and a foreigner is prohibited. Ang taong mapapatunayan na lumabag sa batas na itesh ay pwedeng makulong ng mula six to eight years and may fine na between 8,000 pesoses to 20,000 pesoses ever. Kapag foreigner naman ang napatunayang lumabag sa batas na itesh ay idedeport at hindi na kailanman makakabalik sa Pilipinas.

Hay, nakaka-sad lang isipin na ang “nega” na ng imahe ng mga Pinay sa ibang lahi. Siguro nga may kasalanan din tayo kung bakit naging ganon pero  i believe na hindi pa naman huli ang lahat. Pwede pa namang mabago ang bad image na yan ng mga kababaihan. Hindi lang naman kilala ang mga Pinay sa pagiging domestic helper or mail-order bride, maraming mga Pinay ang nag-excel sa kanilang mga field of expertise at kinilala ng buong mundo. Nakakalungkot lang na mas napapansin kasi ang mga nega ek ek kesa sa mga good ones.

Heto lang ang mga naisip ko na pwedeng gawin:

  • Ang Gobyerno: Lalo pang gawing aktibo ang kampanya laban sa mga mail-order bride syndicates, human smugglers at traffickers. Kung wala lang sanang mga corrupt at mukhang pera sa gobyerno baka  mas madaling maipatupad ang mga batas natin. hay
  • Ang Media: Sana wag lang puro mga nega news about women ang ilabas nila. Bigyan din naman sana nila ng pansin ang mga magaganda at positibong bagay tungkol sa mga Pinay.
  • Civil Society, Non-Government Organization: Magkaroon ng matibay na advokasya on uplifting the lives of women. Okay ang advokasya on gender equality and women empowerment pero sana mahimay pa ito at makita na kailangang magkaroon ng  mga tiyak na hakbangin para mapaunlad, ma-protektahan at matulungan ang mga kababaihan.
  • Mga kababaihan: maniwala sa ating sariling kakayahan. ang women empowerment ay hindi pakikipag-kompetensya sa mga kalalakihan, kundi ito ay pagkilala sa ating sariling lakas at kakayahan. ang gender equality ay hindi sa kung sino ang mas magaling babae o lalaki. Ito ay ang pagtanggap na ang babae ay “equal partner” ng lalake sa paglinang ng isang productive at liveable society. Men and women are equal partners in development.

Mag-apologize kaya si Alec Baldwin? Ano kaya ang gagawin ng Arroyo government sa isyung ito? Abangan!

my beijing adventures…..part 4

Thursday, May 7th, 2009

April 22, 2009, miyerkules, ang last day ng International Conference on Gender and Disaster Risk Reduction sa Jianguo Garden Hotel, Beijing China. After breakfast, nag-start ang session ng eksaktong 9:30am with Hon. Nora Schimming-Chase from the Parliament of Namibia as moderator for the plenary discussion and validation of the Beijing Call for Action.

After naman ng tea break ay ginawa ang closing ceremony at ang facilitator ay si Sen. Claire Moore ng Australia. Closing remarks were delivered by  Mr. John Holmes, UN Secretary General for Humanitarian Affairs and Emergency Relief Coordination at Meng Xiaosi, VP ng All China Women’s Federation (ACWF). Ang vote of thanks naman ay binigay nina Governor Neranjala Balasuriya from Sri Lanka at Lois Dougan, Founding Member ng Hong Kong Forum of Women.

After lunch, pumunta kami sa Beijing Olympic Sites at in fairness ang ganda at ang laki ng place. Ang una naming pinuntahan ay ang national aquatic center na mas kilala sa tawag na water qube. ang ganda ng building na itesh at ang ceiling panalo talaga.

ang water qube, ganda ever!

ang ceiling ng water qube

inside the water qube

ang next stop namin ay ang national stadium. ang ganda nito as in, sa labas pa lang ma-a-amaze ka na at pagpasok mo sa loob, ang ganda ng ceiling, ang laki ng place at ang ganda ng oval ever. took some pics syempre:

after ng trip na ito, nag-decide kami na bumalik sa silk street for last minute shopping kasama na ang ilang conference participants. as usual, lakad galore sa loob ng shopping area ang mga beauty namin. nakabalik kami ng hotel almost 8pm na. we had dinner sa kitchen asia then nag-empake ng aming mga gamit. we were told na 10am kami aalis ng hotel papuntang airport.

april 23, thursday, we had our last breakfast in beijing at ito ang itsura ng plate ko:

umuulan pa ng morning na yun at syempre mega-lamig, -8 ang temp. brrrrr. after saying goodbye sa aming mga newly found friends, bumalik na kami ni ma’am lucy sa room para ayusin ang aming mga gamit. 10 minutes before 10am, bumaba na kami sa lobby, nag-check out at sumakay sa  van na maghahatid sa amin sa airport.

papasok ng airport expressway

ang beijing capital airport tower

dito daw kami sa terminal 2

rain drops sa airplane window

past 6pm na kami dumating ng Pilipinas at ang temp ay 29, grabe! sa office na ako nagpasundo at after ng isang masarap na dinner sa paluto resto sa may macapagal boulevard. natulog na ako sa byahe pauwi.

nakakapagod but i had a great time sa beijing. met new friends, learned new things and saw new places. till next trip!

anniv at anik anik pa

Tuesday, May 5th, 2009

4 years na!

May 5, 2005, isang memorable date para sa akin. yan lang naman ang date kung saan ako ay formally na-admit sa practice of law in the Philippines—-naging ganap na abogada ika nga. sa loob ng 4 na taon, marami na rin namang nangyari sa aking law career although syempre nandun talaga yung hirap din kasi nga nag-a-adjust pa but i thank GOD dahil sa loob ng apat na taon ay masasabi ko na marami akong natutunan at may growth naman sa aking chosen profession. i pray na mas marami pa akong matutunan sa practice, mas marami pang matulungan, mas lumaki pa yung earnings (ganun? he he he) at please Lord, less kuripot at pasaway na clients.

that’s me, signing the roll of attorneys!

obituaries

nung march 30, 2009, namatay ang aking pamangkin na si fatima castillo due to cardiac arrest. hay :(

nung april 25 naman, my dear aunt dela ang namatay due to multiple organ failure. sobrang na-sad talaga ako sa pagkamatay nya kasi a big part of my chidhood days ay kasama ko sya. neighbors kasi kami dati at pagkagising ko palang sa umaga, nandun na ako sa bahay nila, doon din ako natutulog ng tanghali at may time pa nga kasama nya ako sa palengke. i remember nung birthday ko mga 5 years ago, ang aga nya pumunta sa house to greet me and she gave me a big bottle of palmolive shampoo and bars of palmolive soap na imported from australia. that time kasi feel na feel ko ang palmolive as in (remember the “i can feel it” commercial?). mami-miss ko talaga si tita dela. hay ulit.

this week naman namatay ang mother ng aking high school batchmate na si dofeng hilario and ang brother in law ng aking boss na si Victor Ordonez.

i’m offering my prayers para sa kanilang mga loved ones.

martin nievera OA ever!

syempre wagi na naman ang pinoy sa pagkapanalo ni papa manny pacquiao.  grabe talaga ang pambansang kamao ever! aliw na aliw  naman ako kay nanay dionisia. ang proud mama ay nagpa-make over pa sa amerika at  nagpapictorial wearing her black gown na binili sa LA at ang  rolex nya na may diamonds. yamanicious! i also heard gusto na din daw nyang mag-boyfriend. kaloka. go go go mother!

well ang issue naman sa ngayon ay ang pag-violate daw ni martin nievera sa Sec. 37 ng Republic Act No. 8491 nung kinanta nya ang Philippine National Anthem during Pacquiao’s fight. nabasa ko pa na ang national historical institute (NHI) wants him to make a public apology.

Ayon kasi sa RA 8491, ang “Lupang Hinirang” ay dapat kantahin bilang isang marching song at ang rendition nito whether played or sung ay dapat in accordance sa musical arrangement at composition ni Julian Felipe.

Well, sa totoo lang, ang OA nga yung pagkakanta ni Martin ng ating national anthem. Yung umpisa medyo slow pa talaga yung kanta then biglang bumilis  ang beat at sa huli bumirit ang lolo Martin na na-confuse yata dahil ang akala nya eh concert nya sa Las Vegas ang kinakantahan nya. Tama bang bumirit sa ending? Gawin bang pang singing contest ang style? Kaloka. And worst sabi daw ni Martin hindi naman  sya dapat mag-apologize kasi si Manny daw ang nag-ask na kantahin nya ang national anthem. hello? hindi pinag-uusapan kung sino ang nag-ask sa kanya na kantahin yun, ang issue ay ang mali nyang pagkanta. Grrr.

Ayon pa din sa batas, “any person or judicial entity which violates any provisions of this act (meaning ang RA 8491) shall upon conviction be punished by a fine of not less than 5,000 pesos not more than 20,000 pesos or by imprisonment for not more than 1 year or both such fine and imprisonment”.

Dapat maging warning na din ang incident na ito sa ibang singers para next time na kantahin nila ang Philippine National Anthem ay  maging cautious na sila at alam na nila na hindi dapat maging OA, mag-birit or magpa-star. Inaawit mo ang pambansang awit ng iyong bansa upang ipakita ang iyong pagmamahal, ang paggalang, ang pagpupugay, ang iyong pagmamalaki sa iyong lahi. hindi yung magpapa-star effect ka para lang malaman ng mga taong nakikinig na ang ganda ng boses mo. tse!

my beijing adventures…..part 3

Monday, May 4th, 2009

April 21, 2009, Tuesday, ang second day ng International Conference on Gender and Disaster Risk Reduction sa Jianguo Garden Hotel Beijing China. Syempre bago mag-start ang session, we had our breakfast at Kitchen Asia Resto na nasa ground floor ng hotel. buffet itesh at sa dami ng pagkain mag-iisip ka talaga kung alin ang feel mong lafangin.

take note, yang nasa pic above eh one side pa lang ng buffet ever, may ganyan din kahabang section for cakes, for fruits at for breads. bonggacious!

since nung first day i felt na i had too much meat na sa aking breakfast i decided na for this day, I’ll try eating some green and leafy vegetables. o deva feeling vegetarian. eh sino ba naman ang hindi ma-e-encourage na lumafang ng veggies eh ang inviting ng itsura nila sa buffet table. syempre i took a pic.

in fairness, ang dami kong nakitang kumukuha ng mga veggies na yan at mega lafang talaga sila. ako naman na-curious at kahit hindi mahilig sa veggies eh naki-join.  pero di pa rin ako nakatiis, feeling ko di ko kaya na walang meat ever, kaya ang ending……….look na lang sa itsura ng plate ko below:

sa totoo lang, i had a great time eating the veggies, lalo na yung arugula at yung white na parang oversize na toge, tsawap as in. in fact, after finishing that plate eh i went back sa buffet table at kumuha ng another serving ng mga veggies. kaso lang after kong kumain, i felt na parang nahilo ako at biglang di ko maintindihan ang aking pakiramdam. nag-isip tuloy ako kung na-over ba ako sa veggies. hay.

i went back to my hotel room para magpunta sa bathroom pero wala eh as in my stomach is not even masakit pero grabe sobrang uncomfortable ang pakiramdam ko. our consultant, ms. lucy lazo, went up din sa room and sabay na kami bumaba para pumunta sa conference room na nasa 2/f. on our way down nahihilo pa rin ang beauty ko at worst paglabas namin ng elevator di ko napigil nasuka ang beauty ko sa hallway papunta sa conference room. waaaa!!!! mega run ang beauty ko sa CR (buti malapit lang sa elevator). medyo gumaan yung pakiramdam ko after magsuka pero i decided na bumalik ulit sa room para magpahinga.

pagdating sa room, mega suka ulit ako at kasehodang aircon ang room pawis na pawis ang beauty ko. hay. i think masyado akong na-excite sa mga vegetables ever at di ko na-realize  na na-over-fed ko na ang aking sarili, pwede ding baka di masyadong malinis ang mga greens na nakain ko kaya nag-react ang aking system. uminom ako ng water at nagpahinga for a few minutes tapos nagbihis na ang beauty ko kasi nasukahan ko ang aking fave orange alampay ever.

pagdating sa hallway papunta sa conference hall i saw yung janitress cleaning my suka….. yiiii!!! bigla akong nahiya, pero syempre dedma na lang ako at diretso na akong pumasok sa loob. ang resulta, namiss ko ang umpisa ng plenary session 4 na ang topic ay ensuring equal participation of men and women in building community resilience to disasters.  ang moderator ng session ay si Madhavi Ariyabandu ng UN/ISDR Asia Pacific office.

ang speakers ng session ay: 1) ang aking fave red cross lady na si faith kalako, secretary general ng south african red cross society (grabe ang girl na ito sobrang sumakit ang tiyan ko sa mga kwento nya), 2) mereseini seniloli, from the South Pacific Secretariat; 3) Rafael Van Dyek (ang gwapo as in!) from UNDP Mexico, 4) Guan Chunmei, Vice President ng Gansu Women’s Federation at 5) Sumedha Jayasena, Cabinet Minister ng Ministry of Child Development and Women’s Empowerment ng Sri Lanka.

after ng tea break, diretso na agad sa plenary session 5 which is on women and post-disaster relief and reconstruction: one year after wenchuan earthquake. this session was done entirely in Chinese (ang moderator lang na si Braven Zhang ang nag-e-english) pero grabe ang effect sa audience especially when pictures were shown, kitang-kita mo talaga yung damage na naidulot ng earthquake na itesh. there was one story pa nga na nagpaiyak sa amin, one speaker related na during the search and rescue operations, a three-month old baby was found in the rubbles beside her dead mother, protected by the mother’s arms and legs and a red quilt, the baby survived. inside the red quilt was a cellphone with a text message from the mother to her child at nakasulat doon: “my dear child, if you survive, remember i love you”. waaa! grabe!

dahil sa “suka at hilo moments” ng morning, medyo natamad akong kumain ng lunch, as in ang konti ng kinain ko ever and i decided to take some hot tea instead of soda.  afraid ako na baka magsuka na naman ang beauty ko.  i took a nap din after lunch.

syempre napasarap ang tulog ko kaya late ako sa afternoon session which is a public forum moderated by ms. lorena aguilar, ang global senior gender adviser ng IUCN. madaming speakers sa forum na ito at binigyan lang sila ng 5 mins each to speak. yun daw ay para magkaroon ng maraming time for the q and a portion.

ang last event for that day ay ang plenary discussion on the Beijing Call for Action. a draft  of the document was presented to us tapos we were asked to comment and give corrections, pag agree ang majority sa proposed change, i-e-edit on the spot ang draft document. sobrang bumilib ang beauty ko sa parliamentary style ni Hon. Nora Schimming Chase from the National Assembly of Namibia. Sya kasi ang moderator ng session at in fairness ang galing nya.

after ng session, nag-decide kami ni ms. lucy na magpunta na muna sa Silk Street bago mag-dinner. i need to buy another luggage din kasi di na kasya sa aking maleta ang mga conference materials at ang ilang pasalubong na binili ko sa wangfujing. ang Silk Street ay isang malaking shopping center and they sell fake designer clothes, bags, shoes, electronics at pati chinese art works. of coz, may isang floor sila na puro silk ang tinda, may restaurant din and supermarket.

nakakaloka ang loob ng silk street, name it they have it, thousands yata ang mga stalls sa loob. and ang sikreto pala dito para makabili ka ng mura eh dapat marunong kang mang-barat as in tawad to the max. yung luggage nga na nabili ko ang price daw ay 650RMB syempre mega-tawad si ms. lucy at nung aalis na kami biglang binigay ng 100RMB, kaloka. medyo wild nga lang ang mga tindera dito kasi they will literally twist your ams, pull you in sa store nila with matching sigaw ng “lady please buy this, lady this is good quality, lady buy this, lady buy this now”. grabecious!

ms. lucy bought 2 new pairs of shoes na 50RMB each (ang orig asking price ay 250 RMB). bumili rin sya ng peking duck na nasa vacuum pack na worth 49 RMB at salvador f na bag for 50 RMB. after almost an hour of roaming around the  crowded mall, we decided na bumalik na sa hotel para mag-dinner. on our way to the taxi area, may lumapit sa amin na guy, asking saan kami pupunta and he’s offering his car for 30RMB, syempre di pumayag si ms. lucy and we still opted to take a metered taxi at 13 RMB lang ang binayad namin. grabe! uso din pala sa china ang kontratahan ever.

dinner was served sa kitchen asia resto ulit at may isang dish doon na nagpagulat sa tiyan ko………baby octopus in red sauce! yesiree medyo buhay pa ang mga baby octopuses na itesh kasi you can still see their tentacles moving, tapos bubuhusan sila ng red sauce na may chili at ilalagay sa serving plate….ready to eat na! yummy!

o deva yung isang octopus ay gusto pang tumakas ever! he he he. syempre i had second thots kung i-ta-try ko ba ang dish na itesh kasi baka magsuka na naman ang beauty ko. so sabi ko dedma muna. pero nung bumalik ako sa buffet table para mag-take ng pic, i decided  na mag-try na, i got 2 pieces and in fairness masarap sya at ang anghang ever!

after dinner, pina-join kami sa meeting ng UN/ISDR secretariat and  to my gulat, I was asked to do the plenary summaries. kaloka. the meeting lasted up to almost 11pm na yata. hay.

pagdating sa room, hindi pa ako nakatulog agad kasi we watched CNN’s coverage on president obama’s 100 days plus ang news sa pag-take over ng mga rebeldeng taliban sa isang lugar na malapit sa capital ng Pakistan at ang civil war sa Sri Lanka.

past midnight na yata ako nakatulog. hindi man naging maganda ang start ng aking day i was glad na God took good care of me and hindi nya hinayaan na magkasakit ako ng buong araw.  pa-hug nga GOD!