Archive for March, 2009

tsamot-tsari

Monday, March 30th, 2009

saturday is m/v doulos day!

yesiree kasehodang tanghaling tapat at mega sa init, sumugod kami ni baby boy sa m/v doulos. buti na lang at hindi pa masyadong mahaba ang pila nung dumating kami kaya nagkaron pa ng time para makapag-picture ever. ten pesoses ang entrance at ako lang ang may bayad kasi ang baby boy ay free. muntik pang nawala ang excitement ko when i saw the stairs on our way up kasi hindi sya yung typical na hagdan, yung mga steps nya parang humps nyarr na-afraid ang beauty ko kaya mega kapit ako sa stair handle habang umaakyat at wala akong paki kasehodang nagrereklamo na ang mga nasa likod ko dahil i’m so slow ever.

ang init sa loob ng doulos hay hay. sa entrance pa lang ng bookstore, feel mo na ang heat ever tapos ang daming tao, kaloka. nag-ikot kami sa bookstore and we bought some non fiction books, manga  messiah, story book na illustrated, a book on the story of doulos, doulos key chain  (25 pesos), doulos white bag (50 pesos), doulos notebook (100 pesos) at doulos postcards (50 pesos).  ang bill, one thousand plus plus. ayayay!

karamihan sa mga books na tinda nila ay Christian books, I even saw some books of John Maxwell and other Christian authors. Marami din silang books on Bible stories na illustrated pa kaya swak na swak sa mga kids. may mga coloring books, game books at sticker books ng sesame street, dora the explorer at sponge bob. maloloka ka sa dami ng gusto mong bilhin.

well, hindi rin ganun kamura ang mga books nila. may mga books doon na 500 or 400 ang presyo pero sa PCBS eh mga 250 or 300 lang. pero syempre iba din kasing experience na makabili ka ng book sa m/v doulos kaya dedma na lang sa presyo. hanggang march 31 na lang ang floating bookstore na itesh sa Philippines and I heard from a crew na ang susunod nilang pupuntahan ay ang Taiwan.

Von voyage Doulos! hanggang sa muling pagbisita!

ang earth hour…bow!

after the doulos trip, pumunta naman kami sa shangri-la plaza para mag-dinner with ate etzhel. the baby boy was craving for max’s fried chicken at palabok. doon na rin kami naabutan ng 8:30 pm, ang earth hour.  ang  max’s shangri-la, nagpatay ng ilang ilaw at naglagay ng tea lights sa mga tables, in fairness, ganda ng effect, romantic ever. hooray sa mga Trotas at sa BM ng shang branch. he he he.

pero ang ibang stores sa food court grrrr dedma sa earth hour as in. ang McDonald’s na katabi lang ng Max’s di man lang pinatay kahit yung ilaw ng signage nila. buti pa ang jollibee, chowking at greenwich kasi patay ang ilaw ng kanilang  mga signages. klap klap klap.

on our way out, paglabas namin ng elevator, maliwanag ang paligid at dedma ang  mga branded stores ng shangri-la sa earth hour. hay hay hay. syempre madilim sa labas kasi patay ang ilaw ng star mall at megamall. hooray for henry sy at manny villar.  pag daan namin sa robinson’s galleria, madilim din, patay ang ilaw ng signages at ilaw sa mga tarps, hooray for the gokongweis. and of coz, pagdating sa araneta center, madilim din, off ang mga lights sa trees, ang big dome ang dilim, klap klap for the aranetas.

sabi sa website ng earth hour, marami naman ang sumuporta sa activity. all around the world, marami ang  nag-respond sa panawagang ito. they voted for earth ika nga. follow earth hour sa kanilang twitter account by clicking this link.

chip tsao nakichao-chao

syempre hot na hot ngayon ang sinulat na article ng hk journalist at columnist na si chip tsao sa isang online magazine. ang article ay reaction nya sa pag-claim ng Pilipinas sa spratly islands na syempre ay kine-claim din ng china. ang worst, he called the Philippines a “nation of servants”.

heto ang article ng lolo:

of course kabi-kabila na ang mga nega at super galit na reaction sa article na itesh. in fact pati ang aking paboritong senator na si Sen. Pia Cayetano ay nagpalabas na ng press release slamming chip tsao at ang HK magazine dahil sa kanilang racist na article. sabi ng magaling at beautiful na senator:

“Instead of contributing to intelligent discussions on ways to resolve the Spratlys dispute, Tsao only succeeded in eliciting hatred and sowing more confusion not only among Filipinos but maybe even among his fellow Chinese who are not aware of the intricacies of the issue.”

o deva ang taray! syempre she’s demanding a public apology from chip tsao.

dahil hindi ko kilala ang chip tsao na itesh, may-i-google ang lola nyo ng name nya. sabi ng wikipedia, kilala daw si chip tsao sa kanyang “wry sense of humor at sarcasm”. at since yun nga ang kanyang writing style marami na rin syang kontrobersya na hinarap. ayon sa asia news daily, isang article nitong si chip na may title na “have hongkong girls stopped looking for mr white?” ang umani din ng batikos dahil sinabi nya na ang mga western men daw na nakatira sa hongkong after ng handover ay normally nakatira sa dorms sa lamma island or sa mga stone houses sa Sai Kung where people used to keep pigs in. ang isa pang statement nitong si chip na kinagalit syempre ng mga hot white men ay:

“….men clad in T-shirts, thongs and flip-flops” bought beer from the 7-Eleven to get free gifts and were “muscular but did not last long” in bed.

o diva! ininsulto ang kanilang performance…grabe!

pero dedma si chip sa mga nagreact sa kanyang sinulat. in fact buong tapang pa nyang sinabi na he’s always been provocative at tanga daw ang mga white men na itesh dahil hindi nag-read between the lines. kaloka!

at eto pa ang isang article ni chip na tinira na naman ang mga Filipina. this is about importing filipina wet nurses. opps teka i’m not referring to that  sexual “wet” ek ek ha. heto ang article:

Politically Incorrect with Chip Tsao - The Vintage Year

October 3rd, 2008

Inspired by the poisoned milk powder scandal, a friend of mine is planning to import a wet nurse from the Philippines. His wife has just given birth to a baby, and he is, most justifiably, extremely worried about anything made in China.

My friend used to be a supporter of Donald Tsang, who often appealed to local couples to have at least three children shortly after he became the Chief Executive two years ago. Now like any patriot, he regrets it a bit, because nobody, including Tsang, could have foreseen a possible baby famine as a result of the global milk-powder scare.

But why from the Philippines? Why not recruit a wet nurse from China? I asked my friend who until recently had whole-heartedly loved his motherland. “No,” he explained, “How can you be sure that a Chinese wet nurse is not going to be fake, with something like a Bangkok ladyboy-style plastic bag filled with artificial milk made from poisoned powder?”

My friend has every reason to be skeptical. You must have read news reports of white puppies purchased in pet shops in Shenzhen that had turned black after Hong Kong consumers put them in a flea bath and accidentally washed away the white paint, discovering the animal’s true color. A friend of mine was a victim of this recently. He took the dog back the next day, but his demand for a refund was denied by the poker-faced pet shop owner, even after he insisted on the absurdity of the situation by pointing out that he named his originally white puppy “John McCain.” “But John McCain will lose,” the pet shop owner said. “I also saw the presidential debate on TV. What’s the difference between the two anyway?”

So allowing Hong Kong families to import Filipina wet nurses would be an innovation. And not only for babies. What else would be as impressive as a status symbol than when you are visiting a billionaire for lunch and you and dozens of other refined guests are offered a glass of fresh milk to toast everybody’s health, instead of a glass of Chateau Rotschild Lafitte? You would be told that the troop of in-house wet nurses all hail from remote villages in Luzon or Mindanao, instead of the polluted city of Manila, transported to Hong Kong only minutes after they gave birth to their babies, jetfresh, to guarantee the best vintage. So, loosen whatever restrictions and bring them in, Sir Donald—just a thought for your policy speech as I look forward to the milk-tasting party hosted by my friend, whom I warned it would be better for legal reasons, if his wife, the madam—instead of himself, the sir—supervises the job on the spot.

talagang nakaka high blood ang lolong ito! i don’t think sarcasm pa ang tawag dyan eh obviously pambabastos na talaga. grrr grr grrr

pero if we look at the other angle, there’s a grain of truth into his writings. maraming DH na Pinay sa HK ay mga professionals at graduate ng 4 year courses pero they choose to work as DH dahil sa kahirapan ng buhay. marami rin ang walang makuhang trabaho sa Pilipinas kaya kahit DH pinasukan na.

okish granted na ito nga ang realidad sa ngayon pero hindi yan sapat na dahilan para insultuhin at yurakan nya ang dangal nating mga Pilipino. he has gone too far sa kanyang mga writings. sa totoo lang ang spratlys issue ay isang sensitibong usapin at nagtataka ako kung ano naman ang kinalaman ng maid ni chip tsao doon? kaloka. at sabi nya tiningnan nila ang mapa ng mundo habang naglelecture sya sa kanyang Filipina maid, siguro naman eh nakita nya na ang spratlys ay mas malapit sa Pilipinas kesa sa China or  baka naman ibang mapa ang nakita nya. and lastly, mr. cheap este chip pinagtatrabaho mo pala ang iyong Filipina maid ng 16 hours a day  lagot ka kasi ang normal working hours ng mga maid sa HK ay dapat 12 hours lang di ba? huli ka!

ano kaya ang gagawin ng Philippine government sa isyung itesh? i-declare kaya nila na “persona non grata” si chip tsao? mag-demand din kaya sila ng public apology? or dedma lang dahil mas importante ngayon ang eleksyon sa 2010 (yan ay kung may eleksyon ngang magaganap!) ABANGAN!

Join na sa Earth Hour

Thursday, March 26th, 2009

At 8:30pm on Saturday 28 March, people from all corners of the world will turn off their lights for one hour - Earth Hour - and cast their vote for action on climate change. Anybody can participate and join together with millions of people across the globe celebrating Earth Hour.

Join ka na! For more information, check Earth Hour’s website here

tubig!

Sunday, March 22nd, 2009

today, march 22, is the international world water day. this year’s theme is “shared water—shared opportunities”.

for more information, check the world water day website here

water is life!

kape to the max’s

Tuesday, March 17th, 2009

yesiree……….may bago sa max’s

ngayon hindi na lang super sarap na fried chicken at pinakbet ang babalikan ko sa max’s, fave ko na ang kanilang mga bagong coffee concoctions. ang sarap as in! available pa lang ito sa selected stores  kaya kung gusto nyong i-try, visit their shangrila mall branch. tsawap talaga as in!

one happy coffee addict!

kapuso pero bastos

Sunday, March 15th, 2009

Nung kumalat sa web ang balitang pambabastos ng GMA Channel 7 kay Gary Granada, nalungkot ang beauty ko. Una, hindi ako makapaniwala na ang GMA na naturingan pang station na may “puso” ay babastusin ang isang artist, singer, composer na katulad ni Manong Gary. Pangalawa, I was able to listen to Manong Gary’s sentiments kung saan ay malinaw nyang naipaliwanag ang kanyang side of the story. Bigla ko tuloy naisip, kung ang isang maituturing nang institusyon sa larangan ng musika na katulad ni Gary Granada ay nakayang abusuhin ng GMA 7, paano na lang ang mga ordinaryong tao.

Never kong na-imagine na ang susunod palang babastusin ng GMA 7 ay ang aking “biggie bro”. Kaloka talaga as in! Here’s the story:

Huwebes noon, pauwi ako galing sa isang busy day (accompanied my client sa isang preliminary investigation sa Prosecutor’s Office ng Pasig City at nag-dinner sa Shangrila Plaza), habang antok na antok kong binabaybay ang kahabaan ng NLEX, nakakuha ako ng forwarded message mula sa aking baby sister tungkol sa isang bagong show daw sa QTV 11.  Nagtaka nga ako kung bakit kailangan pa nyang i-forward ang sa tingin ko ay promo sms na yun, well, as it turned out, forwarded message yun sa kanya ni yaku, na nakuha naman ang sms sa isang number na wala sa kanyang phonebook.

Siguro itatanong nyo bakit may nagtetext sa kanya about that new show. Well, isa daw kasi sa featured story ng bagong show ay ang lovelife ng ex ni yaku.  as if naman interesado syang malaman yun at ano naman ang pakialam nya dun, obviously, the sms was sent to vex him. Ang ex nga pala na yan ay walang iba kundi ang reyna ng kalsada ng GMA.

Actually, mula nang nagkaron ng bagong bf ang ex na yan ni yaku, marami ang nagtetext sa kanya na karamihan ay mga bastos na sms, yun bang parang they want  to make it appear na loser sya, na sad sya,  na parang tini-trigger sya na mag-react negatively against it. grabe! ang tanga ng mga texters na yan sa totoo lang. contrary to what they think, masaya si biggie bro ngayon, he found someone na mahal talaga sya, inaalagaan sya at nirerespeto. and we love her too as in.

nang lumabas nga ang (sabi ng maraming nakapanood) “scripted” na proposal video ng ex ni biggie bro, may mga nag-email, nag offline at nagtext sa kanya ng link ng video, may isa pang nagtext ng, “panoorin mo pare at pagkatapos ay umiyak ka sa ingit“. grrr. nakakairita as in. syempre nagagalit na kami kasi hindi namin maintindihan why he has to be dragged on it. ex na nga nya yung girl meaning tapos na sila at wala na sila so bakit pati sya ay nasasali sa publicity, nababastos na rin ang current gf nya and worst bakit alam ng mga taong ito ang mobile number nya. kabwiset grrr!

hindi ako mahilig manood ng tv lalo na pag late night dahil sa sobrang pagod ang gusto ko na lang ay matulog, pero parang may nagsasabi sa amin ng kapatid ko na panoorin namin ang bagong show na ang tawag ay Qtube Online sa QTV 11. so yun nga ang ginawa namin, mega nood kami and in fairness sa umpisa ng show nakita ko na maganda naman ang concept nito, they even featured yung isa sa fave kong blog na our awesome planet.

nawalan na ako ng gana nung ang love story na ng ex ni biggie bro ang na-feature. and nagwo wonder kami ng sisterette ko kung ano naman kayang pagpaparinig ang gagawin nya. and nung nag shift ang story sa past relationship ng chakang ex, to our horror, biglang pinakita ang blog ni biggie bro at pinakita ang mga old entries nya about the ex making it appear na para bang he’s still into her at naghahabol. kaloka. na high blood talaga ako as in.  nagamit ang blog at ang mga old entries ni biggie bro against him. inilabas nila ang blog sa tv na wala man lang permiso at ginamit sa isang story na hindi naman sya kasali. ang matindi, may malisya ang ginawa nila kasi they made it appear na he’s the so bad guy sa failed relationship. grabe as in!

okey sige granted na public ang blog na yun, pero hindi  naman ibig sabihin ay pwede mo na lang gamitin para bastusin ang may ari ng blog, konting respeto naman dyan. tao ang may ari ng blog, he’s undergoing some tests in preparation for his sct at ang stress na naidulot ng pambabastos na yun sa kanya shit (pardon my french) yun ang talagang nagpapakulo ng dugo ko.

napansin ko na yan eh, sa mga interview sa chakang ex, hindi pwedeng hindi babanggitin ang kanyang past relationships na  may kasamang pasaring sa  latest ex na very obvious namang si biggie bro. pero since hindi naman pinapangalanan and para di na rin humaba ang story at magkaron pa sya ng extra publicity at his expense, si biggie bro na mismo ang nagsabi na wag na daw naming pansinin. so yun ang ginawa namin. nanahimik kami. sa part naman kasi namin, hindi na kami nagsasalita about it, dahil wala naman ng dapat sabihin pa, may kanya-kanya na silang buhay at kahit may time na nagtetext pa ang chakang ex kay biggie bro, dedma ever na lang sya.

ang nakakairita dito, nagagamit sya eh. kung susuriin ang plot ng story, hindi naman kailangan na ipakita pa ang blog nya. siguro nga pwedeng sabihin na may ex ang chaka na blogger, pero jus ko naman, kailangan pa bang ipakita talaga ang blog? wala man lang effort ang show na protektahan ang identity nung sinasabi nilang ex na hindi naman kasali sa story. feel lang nilang gamitin para mas maging kontrobresyal ang segment? hello? at yung ibang site na pinakita sa show, obviously nag-ask sila ng permission bago nila inilabas sa tv at yung kay yaku lang ang inilabas nila sa show na walang consent ng owner. di ba hayagang pambabastos yan?

kung dati nananahimik lang kami, ngayon, hindi na namin mapapalampas ang pambabastos na ito. worst, hindi naman showbiz o tv person si yaku so yung nega nyang image na na-create ng show na yun ay nandoon na, naipalabas na at kahit pa mag apologize sila (na i feel hindi naman nila gagawin dahil mga bastos sila), the harm has been done. but we are also exploring the possibility of making a formal letter addressed to the persons concerned sa QTV 11 especially sa program manager ng Qtube Online na siguradong may connect sa chakang ex ni biggie bro.

eto pa…..dahil sa issue may mga pumapapel at nakikisakay, hay grabe. umaarte na parang we gave them the authority to speak for us, jus ko, hindi naman kaya. so ang ending parang najeopardize at na-pre empt and whatever legal move na gusto naming gawin. nakakapika. please lang sa mga gusto lang mag pa impress, mag-isip naman kayo dahil baka yung ginagawa nyo will only do more harm than good.

nakakalungkot na sa mundo ng tv, marami talagang abusado at walang respeto. may mga tao na sa kagustuhang makagawa ng istorya mang-aapak ng ibang tao at manggagamit ng taong walang kalaban laban. all in the name of ratings! hay hay at isa pang hay.

di ba ang QTV 11 ay sister station ng GMA 7 na kapuso network. jus ko, kapuso nga pero bastos naman! sayang mas madalas pa naman akong manood ng mga shows nila, feeling ko babalik na ako sa kapamilya!

Farewell Francis M!

Friday, March 6th, 2009

Francis Magalona

(October 4, 1964-March 6, 2009)

the master rapper, songwriter, producer, tv host, actor

video director and photographer succumbed to

acute myelogenous leukemia or AML.

prayers for the magalona family.

visit his blog at: http://francismagalona.multiply.com

thanks ate :)

Wednesday, March 4th, 2009

Yesterday’s a not-so-good day for me. something (well,actually an event) made me feel off and sad tapos i feel uncomfortable pa dahil sa aking sipon.

buti na lang my dear friend and ate has a meeting at baclaran so we agreed na mag-meet para sabay na umuwi. since maaga natapos ang meeting nya she dropped by the office and i’m so touched when she gave me this….

she gave it to me daw to cheer me up. medyo nagulat pa nga ako na alam na nya ang mga sentiments ko ng araw na iyon eh hindi pa naman kami nakakapag chikahan. as it turned out na-tsismis na sa kanya ng aking dearest yaku. hay.

thanks ate. it made me feel better talaga. and i had a great time at KFC din during dinner (di nga lang ganun kasarap yung bbq cheese meltz ever he he he). i heart yah ate etzhel. mwah!