Archive for January, 2009
still my fave
Saturday, January 24th, 2009sabado musing
Sunday, January 11th, 2009opisina
hay, 10am pa pasok ko pero i went to the office early kasi friday night nagbilin ang boss na may meeting ng sabado morning . hindi sinabi kung anong oras ng morning pero normally kasi early yun so sabi ko papasok na lang ako ng maaga. well dumating ang boss 11am har har har at di naman talaga meeting galore ang nangyari. nagbilin ever lang at may hininging mga documents kasi she’s leaving for nairobi kenya ng sunday afternoon for a UN Habitat ek ek. nakakainis lang kasi may pinapagawa na naman sa akin na sa tingin ko eh hindi na part ng trabaho ko. ano sya sinuswerte? heller!
ubo at ascof lagundi
nilaklak ko na hanggang sa huling patak ang ascof lagundi syrup ko out of desperation he he he. pero may ubo pa rin ako. waaa! in fairness nabawasan naman yung frequency ng ubo ko although ang sakit pa rin sa dibdib pag umuubo. i bought ascof tablet 600 mg yesterday at ito naman ang titirahin ko. hay, i hope gumaling na ang pesteng ubo na ito dahil super overstaying na sya as in.
ang ek ek ek na danvil plans
naglalakad ako sa sm city north edsa cyberzone ng may babaeng OA ang make up na lumapit sa akin sabay pakita ng isang visa credit card at nagtanong “hi ma’am may credit card ka na?”.syempre meron. hello? pero ang sinagot ko ay “wala” then sabi nya “mastercard ma’am?” na sinagot ko ng “wala nga mahirap lang ako”. yun na, iniwan na ako ng babaeng mukhang espasol. he he he.
well sya ay taga danvil plans na dating family first at of coz aware naman ako sa kanilang scam ek ek kaya sorry na lang wala akong plano na magpa biktima. i got curious tuloy kung marami pa ba silang nabibiktima lalo na ngayon at nagpalit na sila ng pangalan kaya mega upo kami ni ate etzhel sa brownies unlimited kiosk na katabi lang ng danvil plans booth para mag observe.
pagkaupo pa lang namin nagulat na ako sa boses ng isang baklita na boss yata ng mga agents, sumisigaw ang lola, “sige pa sige pa di pa tayo quota 18,000 pa lang ano ba ano ba”. harararu! tama bang mag hysterical at magsisigaw sa loob ng mall? omigulay ever! at syempre mega walk naman ang mga agents at sige sa panghaharang ng mga utaws na naglalakad. nakakatawa kasi yung isang agent may dala pang salamin at mega kutkot ng nose nya habang naglalakad, may isa naman na shofatid din kaya mega sing pa habang naghahanap ng biktima. kaloka!
ang pinagtataka ko lang bakit ba sa dinami dami na ng mga nagrereklamo sa ek ek na danvil plans na itesh eh hindi pa rin sila napapasara. na-feature na nga daw ito sa probe, imbestigador at bitag pero heto pa rin sila at sige sa kanilang scam. malakas yata ang kapit nito ah? hmmmm.
kung talagang nagbebenta lang sila ng pre-need plans at agresibo lang ang marketing scheme nila eh bakit ang daming nagrereklamo? at bakit kailangang may credit card or atm ang bebentahan nila? paano yung walang credit card pero capable namang magbayad ng pre-need? gaano kaya katotoo ang chika na they will ask for the credit card ng would be victims at hihiramin nila ito to verify lang daw kung qualified sila sa kanilang promo pero i-su-swipe na pala at dyaran! na-charge na ang kawawang credit card holder.
well actually pag kumagat ka sa paanyaya ng agent ang sasabihin lang sa iyo eh may libre kang gift at qualified ka na sumali sa kanilang raffle. tapos may-i-hawak na sya sa iyo para papirmahin ka sa isang promo flyer para daw may proof na tinanggap mo na ang iyong gift from them. tapos syempre mag-start na syang mambola at i-e-encourage kang sumali sa kanilang crazy 8 number game. take note nabasa ko sa kanilang poster sa booth na ang number game daw na itesh ay di kailangan ng DTI permit as per consumer act RA tsu tsu. aba aba teka nga at mabusisi yang claim na yan.
sa mahigit isang oras naming pag-oobserve sa danvil agents may mga ilan din naman silang nahila sa kanilang booth pero majority ay biglang umaalis na lang. ang pinapamigay nila that time ay thermal mug at wall clock. hanggang umalis na kami ay naririnig ko pa ang hysterical na boses ng baklitang boss urging his agents na mang-harass pa ng mga shoppers at siguraduhing maka-quota sila that day. kaloka ever.
ang mga ek ek agents ng danvil sa sm city cyberzone
pagdating sa bahay, mega-research ako tungkol sa danvil plans. saw their website na http://www.danvil.com.ph/home.asp. at sa home page pa lang may announcement na tungkol sa hindi natuloy na transfer ng kanilang pre-needs portfolio sa legacy consolidated plans incorporated at wala na daw intention na ituloy pa ang planong itesh. teka lang, bakit ita-transfer ang kanilang pre-needs portfolio sa ibang company? hindi ba sila authorized na magbenta nito? hmmmm.
syempre mega-scrutinize ako ng site nila at nakita ko na may list of winners pa sila ng kanilang promo with matching pictures. at may gumagalaw galaw pang statement sa ilalim na “no obligation to buy anything”. o deva naman.mukhang legitimate.
panalo sa mission at vision ang company as in.
vision: “We dominate the financial security industry by diversification and innovation in helping the Filipino family have a better quality of life and, in so doing, aid in nation-building”
Mission statement: We are a financial services company committed to providing financial security to the Filipino family through superior corporate performance and diversified product offerings.
o deva naman. sino naman ang hindi mapapa-bilib sa ganyan. at ang core values daw nila integrity, innovation at excellence. juskoday!
nag-search din ako re: mga reklamo sa danvil plans and i was brought to the following links:
http://aboutmyrecovery.com/2008/06/17/consumer-fraud-reporting/
http://cutebjem.multiply.com/journal/item/84
http://www.blisteredfate.com/blog/not-a-good-week/
http://tmamichi.multiply.com/journal/item/2/DANVIL_Plans_Inc._sucks_MAY_GAMOL_SA_MEGAMALL_Bldg_A_5th_Flr
http://danvilplansscam.blogspot.com/
http://www.undergroundconcepts.org/index.php?action=printpage;topic=869.0
http://xelynne.blogspot.com/2008/10/2-face-gimik.html
http://www.iamneri.com/2008/10/i-hate-inefficiency.html
eto naman ang link ng video ng probe team nung na-feature nila ang danvil
http://www.youtube.com/watch?v=iY5RAZ6I3Io
well ang dami ko pang nakita at nabasang mga blogs about danvil pero hindi ko na nilagay dito ang link. isa lang ang malinaw: talagang may hindi maganda sa marketing strategy ng danvil at madami talaga ang naperwisyo at na-harass.they are a legitimate company at registered sa SEC pero yun nga unethical sila sa paghandle ng kanilang mga business transactions at mukhang sa sobrang pagka agressive ng kanilang marketing schemes nakakapanloko na sila ng tao. dapat talaga ma-imbestigahan sila on this.
pero come to think of it, pinayagan sila ng SM Mall management na mag-operate sa kanilang malls, hindi sila napapasara kahit sandamakmak na ang nagrereklamo at nabiktima nila sa kanilang unethical practices, wala ring DTI permit ang mga games/promos nila. gaano kaya kalakas ang kapit nitong danvil plans? at sino ang kinakapitan nila?
dear GOd sana po ay wala nang mabiktima itong danvil plans na ito. sana ay makarma ang mga manlolokong agents ng danvil plans.
kaya dun sa mga nagbabasa ng blog na itesh (sana meron) please lang pag namasyal kayo sa mga SM Malls wag kayong magpaloko sa mga ek ek na danvil agents na lalapit sa inyo at mag-a-ask kung may credit card kayo. better answer them “no” para tumigil na at please lang wag nyo silang hayaan na ubusin ang oras ninyo.
one painful truth
parang langis at tubig, you can’t mix old friends with a new friend.but i dare not to choose. if i can’t keep both eh di hindi. ayokong mag-isip at ma-stress lang ako. di ko feel na madagdagan pa ang stress ko please!!!! papanget ako ever! ubo ubo ubo!
anu daw?
Friday, January 9th, 2009just want to share these “unusual signs” na na-encounter ko during my hongkong and macau trip. actually kulang pa nga yan kasi hindi ko nakuhanan ng pictures yung iba. enjoy!
saw this sign while shopping…..oo na di ko po bubuksan pramis!
wag na daw tumawad…tapat na…eh di wag….tse!
hi hi hi…umandar ang pagiging bastos ko ever!
sign ito sa loob ng cr ng hotel room sa macau. when i first saw it i told ate des, my roommate, “ate naku magkaka landslide” and then we both realized na ang ibig palang sabihin eh “mag-ingat at baka mag-slide o madulas sa cr” hay. kaloka!
nice name….he he he…street sa macau!
new year post at kung anik anik pa
Friday, January 9th, 2009happy new year!!!!
hay, i welcomed 2009 in my sick bed. ubo, sipon at lagnat lang naman ang dala-dala ko when 2008 left. actually bago pa mag-pasko eh may ubo at sipon na ako and it got worst when i went to hongkong and macau after christmas.
ewan ko ba naman at ayaw gumaling ng pesteng ubo na itesh. sa hongkong nga eh mega laklak ako ng pei pa koa (thanks victy!) pero wala rin. bumili pa ako ng strepsils doon (HK$17) pero hay wala talaga. pagdating ko ng pinas mega try naman ako ng antibiotics pero hay di umepekto. gusto ko sanang i-try ang solmux pero afraid ako coz i had a bad experience with that medicine before. last week i tried tuseran na sabi sa commercial ay oks daw sa ubong 3K, pero hay 3K din ang nakuha ko as in kainis, kainis, kainis. then finally ate etzhel and mommy recommended (read: kinulit ako) na mag-try ako ng herbal medicine na lagundi, kung di ko daw kayang inumin ang tea from the boiled lagundi leaves (hindi talaga waaa!) eh tablet daw o kaya eh yung syrup na lang. pinabili din nila ako ng sanitary green balm. so, pang 5 days ko na ngayon taking the lagundi syrup 3 times a day and in fairness may improvement naman although may ubo pa rin ako. yung isang officemate ko nga told me na mag-boil daw ako ng oregano leaves kasi effective daw yun. waaa! eh naremember ko na may ibang amoy yung leaves na yun. lalong di ko kayang inumin ang katas nya. harararu.
anyway, nag-enjoy naman ako sa aking trip kahit ubo ako ng ubo. ang lamig kasi doon at may time na umuulan pa pero dedma ever—ride sa MTR, sakay sa ferry, sakay sa tram, walk walk walk sa busy street ng hongkong. we even went to a place na tambayan daw ng mga kababayan nating OFW at timing na Sunday, day off nila. mixed emotions ang beauty ko when i saw them. malungkot —-kasi alam kong marami sa kanila ang nangungulila sa kanilang mga pamilya pero kinailangan nilang pumunta sa hongkong para magtrabaho. masaya—–kasi nakita ko na nagbo-bonding sila at ine-enjoy ang buhay kahit malayo sa kanilang mga loved ones. may nakita rin ako na nagsa sideline ng manicure-pedicure, pasa load, mga nagbibingo at nagtotong-its.
pinay OFWs sa kanilang tambayan pag day-off
syempre we went to hongkong disneyland kahit peak season at ang mahal ng ticket. nagpa-picture ako kasama si mickey at minnie at si pluto na rin. nakasabay pa namin sa pila si mark lapid (yes the ex Pampanga Governor) kasama si Tanya Garcia at ang kanilang baby na natakot kay Tigger as in.
nahilo ang beauty ko sa turbojet on our way to Macau. sa super class section kasi kami at medyo naasiwa ako sa aking pwesto sa cabin kaya hayun ang ending di ako nakakain ng lunch at nahilo ang beauty ko sa almost 1 hour na trip. kaloka. pero nawala ang hilo ever ko when finally nakita ko ang mga beautiful casino/hotels sa macau. panalo ang “the venetian macau” as in. so beautiful ever! at ang isa pang panalo ay ang aming dinner sa vegetable farm, sarap ng food ever! thanks to our generous hosts na sila dr. tahir at victy.
so now back to reality na ang drama ko. kahit ubo ng ubo ay balik na sa trabaho. next week mag-start na akong mag-asikaso for my PAO requirements. Lord willing makapag-full time na ako sa lawyering this year.
welcome 2009!!!!














