A few weeks ago eh nagulantang tayo sa pagbabalik ni dating agriculture undersecretary jocelyn “joc joc” bolante sa Pilipinas pagkatapos na magtago sa US of A. syempre inabangan ng lahat ang kanyang pagdating, pagka-confine sa ospital (for rehearsal este check up), ang pag-aagawan ng mga senador at congressman sa kanya (as in) at finally ang pagsagot nya sa senate inquiry tungkol sa P728 million fertilizer fund scam. of course alam naman natin bakit sya ginigisa ng ating mga mambabatas—gusto nilang malaman kung talagang sya ba ang mastermind sa diumano ay pag-divert ng fertilizer funds sa election campaign funds ni President GMA nung 2004 election. eh susme naman! aamin ba yun? hello!
eh ano nga ba itong fertilizer scam na itesh? well para sa konting backgrounder….ayon sa report ng Senate agriculture committee na noon ay pinamumunuan ni Sen. Magsaysay Jr., ang mga nasabing fertilizer daw ay na-acquire ng walang public bidding sa mga exclusive distributors. Susme! eh general rule kaya yan for procurement ng mga goods and services for the government, dapat ay may public bidding at dapat transparent.
eto pa…..ang fertilizer ay ni-release sa buwan ng february, march, april at may 2004 na hindi naman planting season—-kundi election season. hay.
eto pa ulit…..ang mga fertilizer ay ni-release on single appropriation, meaning, one time deal lang ito for 2004. o deva naman ang obvious na!
at eto pa ulit…..ang SARO o special allotment release order ay pare-pareho ang amount irregardless of the congressional districts or local government units represented. walang distinction kung rice or corn or kung urban o rural ang lugar. kasama pa sa listahan ng mga recipients ay mga congressional districts sa metro manila na obviously ay wala namang farms. grrrr!
pero ito ang matindi……ang fertilizer na pinamigay at binili ng gobyerno sa halarang 728 million pesoses ay foliar fertilizer pala or fertilizer ng ornamental plants at hindi para sa rice or corn. anak ng pusang buntis na itim!!! grrrr!!!
syempre, overpriced daw ang mga fertilizers ng mahigit na 1,000 percent.!! omigash!tapos di naman daw pure fertilizers ang mga itesh at diluted na with water.
may mga “multo” ding suppliers….scary!!! may isang supplier daw na may telephone number pa pero nung tinawagan ng senate eh telephone number sa isang vegetable stall sa calooocan city. anu va? yung biggest supplier naman daw ng fertilizer na feshan philippines ay dating medical supplier at 2004 lang nag-start mag-venture into fertilizers. grrrr!
at kung may ghost suppliers, syempre may ghost buyers din. talaga naman pang halloween!!! meron daw mahigit 13 NGOs na recipients ng fertilizer pero 5 lang dito ang may lehitimong address. waaa!!! grabe ever!
at isa pang pinaka-grrrr…..wala daw ni-isa sa Department of Agriculture ang nakakaalam na may fertilizer scam este farm inputs and implements program sila. sa files ng department wala ni isang dokumento na sumusuporta sa program na itesh ng gobyerno and iba-iba ang sinasabi nga mga officials di masabi kung ano ang mechanics ng program, sinong nag-disburse, kanino na-disburse, etcetera, etcetera.
ang name nga pala ng project eh Ginintuang Masaganang Ani (GMA) farm input fund para daw sa ating mga magsasaka pero as it turn out ang umani ng ginto ay si GMA kung totoo nga na ito ay na-divert sa kanyang campaign funds.
syempre sa pagharap ni Papa Joc sa senado, niligtas nya agad si madam president. wala daw kinalaman si ma’am sa scam este funds na itesh. as if naman naniniwala ang mga tao. sa totoo lang halos isang araw din syang nalitson sa senate inquiry pero ready sya eh, praktisadong-praktisado ika nga. yun nga lang ang majority ng masang pilipino hindi naman naniniwala sa mga pinagsasabi nya.
hay buhey sa Pilipinas talaga!
tapos this week mga “euro generals” naman ang humarap sa senado!
its showtime!!!
grrrr!
p.s. alam nyo ba na akala ko dati, si joc joc ay female kasi jocelyn…he he he..whatever!