Archive for October, 2008

Boo!!!

Friday, October 31st, 2008

eh ano ngayon?

Friday, October 31st, 2008

well sa umpisa pa lang when you were first introduced to me, di na kita ganun ka-feel. di ko alam kung bakit pero my instinct is telling me na we won’t get along well. buti na lang at iba ang opisina mo kaya kahit nasa isang building lang tayo eh hindi kita madalas makita.

pero in fairness sa iyo, i admire your courage na mag-stand on what you believed in kahit na in the course of it eh nakakabangga mo ang bossing. natutuwa ako na somehow your work principles are intact. and kahit kita ko na nagpapanic ka din at times, you are doing your work well at dahil dyan saludo ako sa iyo.

kaya lang minsan kahit magaling ka sa trabaho pero di ka naman marunong makisama sa mga ka-trabaho mo, wala rin. well, di ko naman inaambisyon na maging close tayo or maging friend mo ever, pero siguro yung maging civil sa isa’t isa eh ayos na. kahit naman hindi tayo magka-opisina pero nasa isang lugar lang tayo eh dapat naman siguro maging normal naman ang dealings.

alam mo careful ako na magkipag-usap sa iyo. in fact madalas di kita kinakausap kung hindi mo ako kakausapin at saka wala naman tayong pag-uusapan, normally work-related ek ek lang. di naman tayo close at lalong hindi friends.

na-remember ko pa dati na i was telling a joke tapos you told me “have some manners”. wow! manners ba kamo? meron ba nun sa MOA? well, sorry kung na-offend ka sa joke ko pero yung sabihin mo sa akin na have some manners, aba aba ineng careful ka. well, sorry kung na-offend ka sa joke ko. nakalimutan ko na di ka pala sanay sa mga ganung joke pero yung sabihan mo ako na wala akong manners aba hello? who u!!!!??? syempre di na lang kita pinatulan at baka lumabas pa na ang petty ko at for sure magiging object of chismax tayo sa ofisina. at……. ayokong ma-stress dahil sa iyo ever.

at ang latest incident……actually nagkataon lang na nagkasabay ang uwi natin at well, di naman ako mamamatay kung ayaw mong sumabay sa akin. ewan ko kung feeling ko lang or whatever pero ang obvious naman ng excuse mo eh. and seriously di naman ako nag-e-expect na you’ll stay at sasabay. no big deal.

hay, tama na nga ang litanyang ito at baka magmukha pa akong sobrang affected when hindi naman. at please ayokong ma-stress.

you don’t like me? fine. eh ano ngayon. the feeling is so mutual.

weeee!

Tuesday, October 14th, 2008

back to work ang drama ko kanina. yesiree! kahit medyo natatamad pa ako eh pumasok na ako sa work—-nagfile ng urgent motion para sa aking custody case sa malolos branch 18 tapos sugod na sa opisina.

as usual toxic at panic to the maxxxx ang boss dahil sa nalalapit na global congress chu chu. siguradong ngarag na naman ang beauty ko. hay. di kaya ako mabinat nito? buti na lang bumalik na rin si leila from her maternity leave kaya medyo kumpleto ang casting. (except joy waaa kakamiss ang beauty nya pramis!)

i had dinner with ate etzhel, syempre sa resto nya. at namiss ko sya ever sa totoo lang. kaka-sad lang kasi ang aking gana sa food my gash wala pa rin. as in di ko mapilit ang sarili kong lafangin ang fish na may light soy na paborito ko pa naman. hay!

pero ang happy ko kasi she gave me these oh mi supa delisiyoso juices….

o devah! cranberry fiesta! lol! thanks ate etzhel! gosh, touched ever ako. i heart yah! mwah! mwah!

i’m out…..

Tuesday, October 7th, 2008

……of the hospital….thank GOD !

na-confine ang beauty ko sa mateo general hospital sa sta maria from saturday to monday due to acute pyelonephritis. hay ever!

it all started nung October 1. I had this grabeng pain sa lower right side ng body ko na tagos hanggang lower back. i took dolfenal so medyo nawala. i went to work kahit holiday kaya nung middle of the day na, sumakit na naman and this time grabe hindi ko na talaga kaya. so, sinugod ang beauty ko sa san juan de dios hospital. grabe na talaga ang pain so the attending physician, dr. panopio, told me na mag-i-injection daw ng pain reliever tapos mag-urinalysis ako.

so, yun i had a shot of toradol tapos urinalysis na. i paid 1k plus as in. ang result ng urinalysis, may infection ang aking urine, puss cells na 8-10. ang ending binigyan ako ng antibiotic at pain reliever. pinapabalik din ako for ultrasound kasi baka daw may gallstone ako. hay!

ate etzhel arrived at the hospital and kasama ko na sya na nagtaxi pauwi. we went to gateway, had dinner sa cibo and bought cranberry juice and my medicines. pagdating sa house, mega-chill ako at ang fever ko was 38 as in. next day, mega-pawis na ang beauty ko so i thought baka may improvement na. pero gash i was so wrong kasi sa afternoon mega-chill na naman ako. and i had this bitter taste sa mouth ko kaya hindi ako makakain, puro water, buko juice at cranberry juice lang ang tinitira ko.

so finally saturday morning, mega-sugod na kami sa mateo hospital. i had cbc at urinalysis. ang result: mas worst ang infection ko as in from 8-10 eh naging too many to count. nag recommend na ang attending physician na si Dr. Calalang na i-admit na ako.

so there, walang katapusang injection ng antibacterial IV, 6 times akong kinunan ng blood sa arms, on and off ang lagnat at nagka-anemia pa daw ako. umuulit din ang pain sa lower right side ng body ko kaya nag-ultra sound pa ang beauty ko ng sunday. hay grabe!

buti na lang sunday night medyo nag-stabilize na ang aking condition and the doctor’s concluded na i had acute pyelonephritis, meaning nagka-infection ang kidney ko dahil sa infection sa aking bladder.  a case of simple uti na napabayaan. hay!

so finally na-discharge na me pero kailangan pa ring magpahinga sa house. hindi pa talaga ako maayos as in. last night, nag-chill na naman ang beauty ko. hay. please do continue to pray for me guys.

thank you sa lahat ng nagvisit at tumulong sa akin:

  • sa mga doctors ko, Dr. Batongbacal, Dr. Concepcion at Dr. Calalang
  • Mga nurses at staff ng mateo general hospital
  • mga interns (na lagi akong ginigising in the middle of a masarap na tulog para lang kuhanin ang aking vital signs grrrrr)
  • syempre ang aking family especially to my dear sisterette, reese. grabe girl i’m so proud of you. thank you talaga for all the support. mwah!
  • syempre to my future bayaw na din (salamat!)
  • mga visitors: tita loi, jemai (na purong pang-aasar ang ginawa, buti na lang love kita baby bro), josh at anna
  • pastor dante and deac vicky (thank you for the prayers)
  • ate emily (thank you for covering me up nung sunday sa pahayag slot)
  • ate connie (thank you for presiding over the Church Board Meeting)
  • ate mila (sa pagpapadala ng food sa amin), ate miriam, sister ivy at sister nelly (for the fruits)
  • neneng (for the visit, for the sweet gifts, for being there for me, salamat talaga gurl. i heart yah!)
  • sa iba pang relatives na nag-visit at nag-pray for me. tsalamat!
  • kay ate des, finance officer sa aking office, for all the support lalo na sa philhealth ko and sa prayers na rin. thanks talaga ate. i heart yah!
  • sa mga clients ko na nabitin ang mga urgent motions dahil i got sick, thank you sa pang-unawa. i’ll do it as soon as kaya ko na, pramis
  • sa mga client na biglang nagbayad ng kulang sa fee, wow, salamat
  • at sa mga church mates na nagpray for me, thank you so much!

syempre….i took some fectures

my tired hand…hay!

injection ng antibacterial

tsakit ever!