napipika ang beauty ko….
Sunday, September 21st, 2008………sa mga kliyenteng magpa-pramis na magbabayad pero hindi tumutupad.
nakakapika talaga sa totoo lang! hay!
na-stress ang beauty ko!!! waaaaaaaa!
musings.thoughts.ek ek ek
………sa mga kliyenteng magpa-pramis na magbabayad pero hindi tumutupad.
nakakapika talaga sa totoo lang! hay!
na-stress ang beauty ko!!! waaaaaaaa!
nasa boiling point ang dugo ko ngayon! grrrr to the highest level!
nasa kasagsagan kasi ang aming organization na NGO (kunwari) ng preparation for the coming Third Global Congress of Women in Politics ek ek na ang focus ay climate change. Syempre “in na in” yang climate change kaya syempre sasakay ang boss ko para maraming kita este maraming participants.
Pero dahil sa mahal ng fee at sa hirap ng buhay sa mundo ngayon, ang konti nang nag-register at nagpapanic sya coz she wants to make sure na may makuha pang iba (para madami syang kita) at yung mga nagregister na eh maalagaan para di na malaglag (sayang kita, sayang ang pera).
Ang siste, ang gulo-gulo nya. Paiba-iba ang instructions, sabog sabog ang desisyon. Sa totoo lang nawawalan na ako ng gana na mag-asikaso dahil ang gulo-gulo nya. Yesterday iba ang instruction, kanina iba na naman. hay naku wala akong patience sa kanya, so wala akong gagawin kahit ano sa inutos nya. tse!
Tapos yung mga participants na nagbayad na or basta nag-register sa activity, sabi nya papadalhan daw nya ng letter na parang memo type so sabi ko okay po. Eh sya kaya boss bahala sya kung ano ang gusto nyang ipadalang letter.
Ang ikinaka-high blood ko lang ngayon eh ito: nakita ko syempre ang mga pinadala nyang letters at anak ng pusang itim, pangalan ko ang ginamit at hindi nilagay ang name nya. syempre nagtext ako and i told her na i feel uncomfortable na ginagamit nya name ko eh mas may authority sya. so she called me and said okay daw pero shit naman, eh napadala na pala nya halos lahat yung letter so wala nang silbi ang pag-apela ko.
Ewan ko ba pero di ba kabastusan yung gagamitin mo ang pangalan ng iba sa isang letter na ikaw ang gumawa. Ang kapal ng mukha eh. talagang hindi professional ang boss na ito. nakaka imbyerna sya! and obvious naman why she’s doing it, iwas-pusoy sya, para nga naman kung may mali at may palpak, eh di safe sya at ako ang mapapahamak dahil pangalan ko ang naka sign sa letter. shit talaga. (pardon my french he he he)
at na discover ko na ang palpak talaga ng ginawa nya kasi yung letter, she emailed it even to those na hindi naman participants, at sino syempre ang nagmukhang tanga, eh di ako kasi naka sign ang name ko with matching attorney pa sa unahan.
galit na galit talaga ang beauty ko kaya natamad na akong mag work. dito ko na lang sa blog ilalabas ang mga galit at sama ng loob ko sa corrupt at unprofessional kong boss. kung hindi nga lang ako nagmamalasakit sa organization na ito eh talagang lalayas na ako at this very moment. sobrang napipikon na ako eh. garapal na ang pagkabastos nya at pagka-corrupt.
what’s in a name? ano naman ngayon kung i-sign nya name nya? mas may authority nga sya kasi executive director sya (salary P50k a month, cash advance P3M a month). saan ka pa?
talagang na-imbyerna ang beauty ko sa totoo lang. ginawa ko nag email ako dun sa mga pinadalhan nya ng letter at sinabi ko na the letter was sent by our executive director and she just signed my name sabay apologize na rin dun sa mga nag-react kasi nga di naman sila participants pero pinadalhan sila ng letter.
kelan kaya ang karma ng boss ko? masamang damo kasi kaya ang tagal mamatay. hay. pero ako di ko na kaya, mukhang di na ako makakatiis, enuf is enuf. pumapangit ako sa office na ito! waaaa!
wednesday night…nag-meet kami ni ate etzhel after work at nag-decide na magdinner sa kenny rogers resto sa baclaran (yung malapit sa heritage hotel)….
no. hindi naman namin first time lumafangs doon on a wednesday kaya never ko na-imagine na magkakaroon kami ng ek ek ek experience
so syempre pagdating namin sa resto mahaba ang pila. wednesday eh baclaran day at ang mga devotees ni maria mega-lafang after mag-novena. naki-fall in line na rin ang beauty namin at since my ate beautiful is craving for tuna melt at smoothie, yun ang inorder nya. since busog pa ang beauty ko (he he he i ate orange egg sa may labas ng baclaran church opps) i ordered yung combo meal nila na chicken at rice with light ice tea (yes, busog pa ako nyan ha!). mabait naman ang cashier named toni and she gave me a number, number 48 to be exact, yung tuna melt daw ay i-de-deliver in 15 mins.
since walang available seat sa ibaba, syempre mega-climb kami ng kanilang stiff stair para makaupo sa second floor. nakakatawa lang kasi ang laki ng second floor nila pero yung maliit at cramp na space na parang function room lang ang pinapagamit sa mga diners. reason: yun lang daw kasi ang may aircon. yung large portion ng second floor eh parang oven sa init as in! eh sino naman ang gustong lumafangs sa isang mainit na place? wala noh!
we finally settled in a cramp table. at syempre nag-umpisa na ang waiting game. unang sinerve ang combo meal, fries, smoothie at ice tea, so chika pa kami while waiting for the tuna melt sandwich. hanggang narealize namin na almost 20 mins na kaming naghihintay. gusto ko na sanang bumaba para mag complain pero ate said wait pa daw namin. syempre lahat ng crew na napadpad sa 2nd floor eh mega talk kami para mag follow up pero wala as in walang dumating na tuna melt sandwich. di na talaga ako nakapag pigil kaya bumaba na ako para mag complain sa counter. sabi ng isang crew na mukhang in-charge sa pag-iihaw, ginagawa na daw, wait lang daw, syempre mega litanya ako, "ginagawa pa lang eh kanina pa kami nag-order sabi nyo 15 mins, eh 50 mins na. susme naman, so gaano pa katagal yan? kaimbyerna kayo ha!". syempre i was assured na sandali lang daw 5 mins lang daw.
umakyat na ulit ang beauty ko and waited for the sandwich pero sa awa ni Maria natapos ang 5 mins eh walang tuna sandwich na nag-appear sa table namin. ballistic na syempre ang beauty ko at si ate etzhel halatang imbyernix na rin sa sitwasyon. i went down ulit at mega litanya na naman ako sa counter. that’s when a crew named jhoy approached me and told me na sya na daw ang mag-aasikaso ng problem ko. weird di ba, 2 ang managers na naka-duty pero crew ang mag-aasikaso sa isang nagrerebeldeng customer. tsk tsk tsk.
so eventually nagdecide kami na we will not take the sandwich anymore at ire-refund na lang namin yung money. wala na rin kasing ganang kumain ang beauty kong ate at ako naman high blood na. so we both went down para sabihin kay jhoy na we are refunding our money. grabe ha kasi habang nakatayo kami sa may gilid ng counter yung antipatikong stock manager na jb yata ang pangalan eh nakatingin lang sa amin, ni hindi man lang kami tinanong or inapproach kung ano ang problem at take note poker face pa ang lolo. antipatiko eh wala namang balls! when ate etzhel requested jhoy for the manager, doon lang kami nilapitan ng isang jay basilia or basilio (whatever) para mag-apologize at mag explain. imagine, kailangan pang tawagin ng customer ang manager where in fact dapat aware sya sa mga nangyayari sa store. grabe as in!
in fairness to him naman i feel na sincere sya sa paghingi ng apology and he offered to give us the food that we ordered free of charge. sabi ko nga wag na lang kasi talagang bad trip na kami pero he insisted. when he gave us the food he apologized again and he said sana daw bumalik pa kami to eat again at his resto.
hello!! in your dreams! never na akong kakain sa branch na yan ng kenny no? sa totoo lang chicken lover ako at isa ang kenny rogers sa fave kong chicken resto pero after that experience, i’m having second thots na as in. sana lang di ko ma experience ang ganitong ka-ek ek-an sa ibang branch.
so hayan, 2 resto na ang nasa ek ek ek list ko…..TOSH (forum robinsons) at kenny rogers resto (baclaran branch). wag kayong kakain sa 2 resto na yan at baka maimbyerna lang kayo noh! hay!