last saturday nagdinner kami ni ate etzhel sa The Old Spaghetti House or TOSH sa forum robinsons sa may pioneer. sa totoo lang ilang beses na rin akong nakakain sa TOSH kaya never kong na-imagine na ma-i-imbyerna ang beauty ko sa aking latest TOSH experience.
so when we entered the store mega greet ang waiter (na maswerte kasi di ko na-get ang name) at inoffer ang nililinis nyang table for us. so syempre habang nakaupo kami mega punas pa sya ng table. sa akin naman oks lang yun noh and at least sa couch kami nakaupo. then he gave us the menu and after a few minutes we ordered seafood marinara, cheese logs, bottomless ice tea at mud pie. syempre chika galore muna kami ni ate habang naghihintay ng order. in fairness binigay agad sa akin ang aking bottomless ice tea. so chika chika ever pa rin kami. kaso i heard my stomach na nagrerebolusyon na at doon ko na realize na almost 15 mins na kaming naghihintay ng order namin at worst yung mga nahuling dumating sa amin eh kumakain na. tama ba yan? grrr… to think na ang konti lang naman ng diners nila. buti nagrefill yung waiter ng ice tea ko so mega follow up ako ng order ko. ang sinungaling na waiter ang sabi eh ginagawa na po sandali na lang po.
at ang sandali ay naging 30 minutes. grabe! talagang naimbyerna na ang beauty ko as in. mega simangot at mega look na sa mga tao sa counter. buti na lang may waiter na nakapansin sa angry look ko and his name is Mon. nag ask sya kung ano daw ang order namin and thanks to him kasi ginawan nya ng paraan na ma-serve na ang aming order. kaya after less than 10 mins eh nasa table na namin ang mga foodies. syempre mega ask si ate etzhel kung ano nangyari at bakit nadelay. at muntik na akong nahulog sa chair when he told us na kaya na-late ang order eh naipit daw at nawala ang order slip. anak ng pusang itim! imagine nawala ang order slip!!! can you believe that. grrrr talaga!
anwyay, since na served na ang lafang namin eh di mega eat na muna kami at dedma na lang sa ek ek ek na incident. panay din ang refill nila ng ice tea ko so somehow na-pacify na ng konti ang aking nagwawalang kalooban. pero naimbyernix na naman ang beauty ko nung nagbayad na ako ng bill.
ang beauty-con-tisay-con-bobacious na cashier after ibigay ang aming bill na nakalagay sa brown leather case, di na ako inintindi. imagine mga 20 mins yata ako nag hintay sa change ko. inisip ko nga na iwanan ko na lang para tip na lang anyway maliit na lang ang change pero gosh di ako magtitip dahil di ako masaya sa service nila. heller!!! so since na feel na namin na mukhang walang plano ang cashier na ibigay ang aking change at receipt, lumapit na kami sa kanya.
and gosh di pala nya alam nandoon ang bayad ko sa isa sa mga nakatambak na leather case sa harap nya. grrrr. nagulat pa nung lumapit ako at nagsabi na matagal pa ba yung change at resibo ko?
grabe imbyernix talaga ako. nakakain naman na ako sa ibang TOSH pero this is the first time na ganito ang experience ko. harr
so there…di ko na feel lumafang sa TOSH forum robinsons dahil baka sa susunod di na talaga ako makapagpigil. sana naman i-improve nila ang service nila kasi sa totoo lang masarap ang food nila.
mukhang alam ko na ngayon why most of the time wala silang diners. hay ang poor ng service! kaloka!