hayyyyyy!!!! i need to pour out my angst dito sa blog or else baka maging cup d ang dibdib ko….he he he
angst # 1: well ang angst na ito ay may kasamang sad at hiya feelings. biro mo naman sabi ng world bank " corruption in the Philippines is the worst in East Asia". asusmaryosep! alookatdat! grabe! sabi sa article ng inquirer, "corruption in the Philippines is perceived to be the worst among East Asia’s leading economies and the country has sunk even lower among those seen to be lagging in governance reforms". ang result daw na ito ay based sa 2008 worldwide governance indicators (WGI) ng world bank kaya nakakahiya talaga. ano naman kaya ang masasabi ni Panggulong Arroyo dito? well i bet dedma sya kasi she’s enjoying her US trip. kapal! grr!
read nyo ang complete details ng ek ek na ito by clicking the link below:
http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20080625-144628/WB-Corruption-in-RP-worst-in-East-Asia
angst # 2: ito super angst to the nth level! may kinalaman ito sa electric bill subsidy ng government para sa mga mahihirap nating kababayan na kumukunsumo ng 100 kilowatt hours or less in a month.take note ang name ng gimik na itesh: "katas sa vat: pantawid kuryente". ang pangit! nyark! enyway, okey sana ang gimik na itesh eh, pang damage control ng government at take note ang press release eh 2 billion pesoses daw ang dole out ng arroyo government for this program. wow klap klap klap sa nunal ni GMA. pero my gas naman bago mo daw makuha ang P500 pesos mo eh mega hirap naman ang mararanasan mo. may mga neighbors ako na 4am palang nakapila na sa landbank tapos di na nakapag lunch sa takot na mawala sa pila nila tapos by 2pm narating na rin nila ang table ng mga masusungit na landbank employees na in-charge sa subsidy program. pero grabe ang gagawin lang daw pala ay may-i-tatak lang sa electric bill tapos pababalikin next day. grrrrrr!!!! and importante din na bayaran muna ang bill sa meralco dahil pag walang validation ng cash register ng meralco tinatalakan at iniinsulto daw ng mga in-charge ang mga kawawa nating kababayan. anu vah!!! pwede naman yang sabihin ng maayos eh. tapos yung iba daw hindi nakakuha ng "yellow ninoy" nila kasi ang daming hinihinging requirements at kung anik anik na identification cards. susme naman mga mahihirap nga yan eh, chances are walang mga tin id or sss id ang mga yan. anu vash!!! saka sabi sa guidelines ng program, one valid ID lang eh bakit kung anik anik pa ang hinihingi? grrr! as expected madami ang nagalit sa sistema ng pagbibigay ng subsidy. ang tingin tuloy ng iba, yung mga mahihirap lalong pinahihirapan, yung mga kawawa, lalong kinakawawa. and i agree to the highest level sa observation na yan! bakit di na lang kasi nakipag ugnayan sa meralco ang government para automatic na lang na i-kaltas sa bill yung P500 na subsidy para hassle-free tapos singilin na lang ng meralco ang gobyerno. hayyy! feeling ko tuloy hindi naman kusang loob yang tulong ng gobyerno na yan…ayaw lang nila na mag-rebolusyon ang mga tao dahil sa hirap ng buhay sa pinas! kung gusto talaga nilang tulungan ang mga kababayan nating kapos eh sana naman yung mechanism ng program eh magaan at madali lang. naku talaga!!! grrrr! P500 na nga lang ang ibibigay eh papahirapan pa ang mga tao. makonsensya naman kayo!!! kakabwiset!
angst # 3: sino naman ang hindi malulungkot, magagalit at maiinis sa paglubog ng princess of the stars sa sibuyan island sa romblon. ang daming namatay as in. kaka-sad ever. only 48 people as of this time ang survivors ng sea tragedy na itesh. hay! bakit naman kasi pinayagan ng coast guard na lumarga ang barko eh may bagyo? i’ve read na yung super ferry daw na kasabay umalis ng princess of the stars nakagawa ng paraan at talagang nag–stop dahil sa pangit na panahon. as usual nagtuturuan ang sulpicio lines at phil coast guard. ang mga kawawang relatives ng mga victims ang naiipit. tapos kanina, while reading the news i saw these pictures and i can’t help but feel sad. hay

a girl holding a pic of his missing brother. kakaiyak!

ang lumubog na princess of the stars…hay!
angst # 4: umandar na naman ang pagka-lucrecia ng boss ko. yung isang desk clerk ng hostel na NGO kuno ay gusto nyang tanggalin. ang reason: immature daw at madaming family problem and most of all, two year course lang daw ang natapos. aba aba aba eh teka lang ho bossing, hindi mo naman pala gusto dahil immature eh bakit mo pa pinaabot ng 6 months ang serbisyo sa iyo? dapat nung umpisa pa lang eh tsugi na sya kasi immature pala. ngayong 6 months na sya and considered regular employee na gusto mong i-terminate? hello! wake up dupangish bosh, to terminate her dapat for just cause at in compliance with the "two-notice rule". alam mo ba yun bossing? syempre hindi. kalowkah! so para sabihin na immature ang desk clerk you need to be specific, ano ang mga ginawa nya na nagjustify sa reason na immaturity at maging cause for termination? take note dapat ang mga acts na ito ay in relation sa performance ng kanyang work.
kung sabihin mo naman bossing na walang contract ang desk clerk so you can terminate her anytime, yes bossing tama ka, pero that applies kung wala pang 6 months ang empleyado mo. sa case ng desk clerk na gusto mong tsugiin more than 6 months na sya kaya kahit walang contract considered regular employee na sya at hindi mo basta basta matsutsugi.
sabi sa article 280 ng labor code, an employment shall be deemed to be regular where the employee has been engaged to perform activities which are usually necessary or desirable in the usual business or trade of the employer. at ito daw ay applicable meron o walang written agreement or contract of employment.
tungkol sa probationary employment, article 281 ng labor code provides na ang probationary employment shall not exceed 6 months from the date the employee started working at pwede lang i-terminate ang probationary employee for a just cause or when he fails to qualify as a regular employee. an employee who is allowed to work after a probationary period shall be considered a regular employee. o malinaw yan ha bossing! belat!
doon naman sa argument na marami daw family problems ang desk clerk, sus, hello, gusto ba nya yun? sinabi ba nya na "hello family problem please come in". hello! at hindi naman halos everyday eh problematic ang desk clerk. nataon lang na nagkasakit ang brother nya at kailangan ng immediate medical attention. syempre it was taken against her ng boss and now pinapalabas na parang wala syang nagawang tama sa trabaho nya.
as if walang family problem ang boss eh super problem nga nya ang spoiled nyang unico ampon hijo na pasaway at ayaw mag-aral. careful sa karma boss!
at naremember ko ganyan din sya sa akin dati. when i had my sprained and nag-absent ako ng 2 weeks pagbalik ko kinausap ako at sinabi na nalulugi daw ang opisina sa mga absent ko. grabe ha, non-profit ang opisina at may vl/sl ako. teterminate na daw ako. nung magreresign naman ako aba eh mega pigil at mag-stay daw ako hanggang october. hello! no way!
at ang last na reason nya eh 2-year course lang daw natapos. eh di ba alam mo na yan bossing bago mo pa sya na-hire, nasa bio data nya yan di ba? di pala pwede ang 2-year course graduate sa position eh bakit mo sya tinanggap? you are now estopped to deny and use the same para i-terminate mo ang desk clerk.
syempre obvious naman na ang totoong reason kaya gusto na nyang tsugiin ang kawawang desk clerk ay dahil ayaw nya itong gawing regular employee. ayaw nyang magbigay ng benefits na dapat sa isang regular employee. in other words, kadupangan!
grabe talaga. kumukulo ang blood ko sa capitalista con NGO-istang boss ko. sobrang kapal at dupang. hindi nagbabayad ng night differential, hindi nagpapasweldo ng tama, tapos nagteterminate ng empleyado na walang just cause. ang nakakatawa, she’s advocating for transformative leadership kuno eh sya mismo ang hindi gumagawa nito. nakakasuka ang kaplastikan nya as in!
hay tama lang talaga ang desisyon ko na umalis na sa organisasyon na itesh. kahit pa naging comfort zone ko ito ng matagal ding panahon pero di ko na talaga masikmura ang boss ko. sana lang bago sya mamatay marealize nya ang mga pang-aabuso nya sa mga empleyado nya at makapagsisi sya bago sya sunduin ni taning.
kakaloka talaga! hay hay hay