Archive for May, 2008

bloody friday

Saturday, May 17th, 2008

aside from my "monthly visitor" na dumating on friday, (madugo talaga ito ever!) heto pa ang ilan sa mga "madugong" pangyayari noong ika-16 ng Mayo 2008:

  • ang Rizal Commercial Banking Corporation o RCBC Science Park Branch sa Cabuyao Laguna ay ninakawan friday morning. pero common na ang balita na yun, i mean yung bank na ninakawan. ang mas nakakashocked dito eh pinatay ng mga walang pusong holdaper ang mga empleyado ng bank at nadamay pa ang isang depositor. sabi sa news, pinapila daw at binaril sa ulo. hayup! mga hayup! buti na lang may isang survivor daw pero critical condition. sa totoo lang, i felt so bad when i read that news. naiiyak ako sa galit at lungkot. i’m praying for justice and comfort para sa family ng mga victims. sana may magawa talaga ang ating law enforcement agencies para mahuli ang mga "demonyong" pumatay sa kanila. grabe as in
  • may na-ambushed na isang pulis at nadamay ang kanyang 1 1/2 year old na apo. critical condition naman ang asawa ng pulis. hay. take note sa  may tabing ilog marilao bulacan nangyari ang pang-a-ambush. kaka-sad ever.
  • may lalaking tumalon sa third floor ng trinoma mall. syempre ano fa yun kundi….suicide. dinala pa daw sa east avenue medical center pero dahil sa extensive injuries eh namatay din. sayang. ano kaya ang nangyari at naisip nyang magpakamatay? nagpakamatay nga kaya o may foul play? abangan
  • may sumabog na LPG tank somewhere sa payatas yata. buti walang namatay sa aksidente na ito. hay! :(

kaka-drain naman ng saya ang mga pangyayari na itesh. sana ma-serve ang hustisya sa mga biktima. pray natin sila. thanks.

samo’t sari ulit

Tuesday, May 13th, 2008

last May 5, nag celebrate ako ng aking ika-3 taon bilang lawyer. honestly, hindi pa ako ganun ka-satisfied sa mga na-accomplish ko bilang abogada kaya this year ang plan ko talaga is to go on full time lawyering.

pero syempre in doing that i have to leave my beloved NGO na naging comfort zone ko rin for 5 years. kahit naman ek ek ek ang boss ko dito at maraming hang ups ang dami ko ding natutunan at na-experience dito na hindi ko makakalimutan. and besides kahit madalas toxic sa office, i’m sure ma-mi-miss ko ang aking mga office mates.

i’m set to file my resignation today. nakapag-usap naman na kami ng big boss last week. kung dati okay lang sa kanya na mag-leave ako pag may hearing, ngayon ayaw na nya. napika pa nga ako kasi sabi ba naman nalulugi daw ang office pag absent ako.teka lang boss eh di ba non-profit tayo? anong lugi? or baka naman nanghihinayang ka kasi pag absent ako eh VL yun, meaning leave with pay. ayaw magbayad ng lola. kaloka!

she actually gave me options; i can stay daw for the next 6 months kasi sobrang tight daw ang sched ng NGO, may trainings at global congress na ino-organize and she needs me kasi ako na lang ang natitirang senior program officer na kahit nakapikit eh alam ang gagawin (yabang ever!) pero ang condition nya eh, minimize ko daw absent ko, wag daw muna akong tumanggap ng cases ko para wala akong masyadong hearing. (o devah demanding!) tapos after that 6 months magdecide daw ako if i want to stay or not. if i choose to stay i have to give up my lawyering career. ano yun? hello! excuse me. ang isang option naman eh mag resign ako and she’ll take me in as a consultant or she’ll give me part time work daw. dati i was thinking grab ko yung first option, pero ngayon, i’ve decided not to choose any of it. magreresign na lang ako and go into full time lawyering.

pray for me guys. major decision itesh! hay!

                                                      _______________

belated happy mother’s day sa aking mommy nene.

i love you mommy. salamat sa unconditional love mo at suporta sa akin. i know its not easy having someone like me for a daughter kasi matigas ang ulo ko at pasaway, pero still you are there for me. i’m always praying na bigyan ka pa ni Lord ng mahabang buhay para makasama pa kita ng matagal. love yah! tsup!

belated happy mother’s day din sa lahat ng aunties ko, mga mommy cousins, ang aking "other mommy" na si mommy ly torres, mga mommy officemates, mommy friends and barkadas (neng, polet, lorina, kite, melanie, beth, helen, mate, leonora, grace, ate mari, ate mags at marami pang iba), sa aking sisterette na si ate etzhel, mga  mommy church mates at sa lahat ng mommy sa mundo. God bless po!

                                             ————————
nasa-sad naman ako sa mga pangyayari sa loob at labas ng bansa. imagine mga pandak na lang ang hindi tumataas. ouchie!

ang mahal na ng bigas, gasolina at kuryente. kanina nagulat pa ako kasi imagine 51 plus pesoses na ang liter ng gasoline. omigulay!

tapos na-hit ng cyclone ang Myanmar at ang daming namatay. kanina lang nabasa ko sa yahoo news na majority ng victims ay children. hay how sad. then nagkaroon din ng earthquake sa china at mostly children din ang victim. anu ba yan? hay.

say tayo ng prayers for the victims of these calamities. God  bless!