not once but twice…waaa!!!
Tuesday, April 8th, 2008waaa….waaa..waaaa
yesterday, busy ang day ko kasi morning palang sumugod na beauty ko sa SEC. kaso, on my way to ortigas, natapilok ako. waa!! nakakainis! bakit naman kasi di pantay ang sidewalk floor. paging papa bayani! ang sakit ever.
pero syempre i kept my poise (as in!) kunwari carry ko pa. kaso nung malapit na ko sa SEC, natapilok na naman ako…waaa…this time cry na ang beauty ko sa sakit. pero wala i have to go through my appointment kaya smile smile na lang sa harap ng SEC General Counsel.
tapos naglakad pa ako papuntang robinsons galleria para kumain ng lunch. then sugod ang beauty ko sa muntinlupa rtc branch 205 for my hearing. buti na lang i had dolfenal with me kaya mega take agad ako para naman mabawasan ang kirot.
on my way back, nagmeet kami ni ate etzhel sa metropoint mall sa edsa rotonda and sabay na kami umuwi. while cruising nlex, i took advil kasi ibuprofen daw yun at makakaalis ng maga. megatext din ako sa aking friendship na si neneng, na na-sprain na naman ang beauty ko with matching waaaaa. nag drop by ako sa kanyang supermarket at mega-donate sya ng PAU liniment. wag ko daw pahilot at baka lalong mamaga.
kaya ang ending, house arrest na naman ako. mega-swollen ang left foot ko ever. sick leave na naman ang drama ko. buti na lang april 18 pa ang next hearing ko sa pasig. hay talaga.
so work at home na naman ang beauty ko habang nagpapagaling. tomorrow susugod ako sa hospital para sa x-ray ever. please pray for me guys.
