kung anik anik anik
Thursday, February 28th, 2008grabecious! tagal ko na palang di nakasulat sa blog ko…mi gosh! ang tamad ko na talaga! harrr!
nasa new york ang big boss ko para umattend ng isang conference na sponsored ng UN at syempre may kinalaman ito sa mga kababaihan kaya heto at mas lalo akong tinamad dito sa office. tapos friday pa ngayon kaya ang aking friday sickness eh rumeresbak ever.
naghalf day akesh kahapon kasi i had an interview sa isang NGO na ang work ay suportahan at ipaglaban ang karapatan ng ating mga magsasaka. base sa orientation nila sa akin mukhang exciting ang work kahit na mukhang di ganun ka exciting ang pay. pero at least lawyering cum NGO work ito. legal ang trabaho ko at hindi program management. sana lang matanggap ako.
discontentment is getting into my system na talaga. career-wise feeling ko kulang na kulang pa talaga ako sa practice kahit pa may mga kaso naman ako at hindi na "scary" para sa akin ang umappear sa court at umattend ng trial. i need more cases at more practice!!!! ituloy ko na kaya ang application ko sa PAO? pero i was told matagal daw bago magsweldo sa PAO at di rin ganun kalaki ang pay. naku di pwede sa akin yun. hay!
eniways, mega text ang aking mga friendship re: rally mamaya sa ayala ave. punta daw kami. hmm…..medyo feel ko kaya lang baka may magnanakaw ng cellphone dun…hay katakot. kanina napanood ko sa tv na nanakawan ng cellphone ang 1 reporter ng gma (si michael fajatin), 1 reporter ng abs-cbn at 1 reporter ng dzmm during their coverage ng mass for jun lozada sa manila. at grabe ha pati si atty. prinsesa na abogado ni papa jun naging victim din ng phone snatching. o devah naman. nakakaloka. i bet naibenta na ng mga walang pusong magnanakaw na yun ang mga cellphones nila sa murang halaga. hay
syempre buhay na naman ang panawagan para sa "gloria resign" ever at syempre ang small lady sa palace eh mega deadma at kapit tuko sa presidential chair. at naisip ko din, ano ang mangyayari pag nag-resign ang pandak sa malacanang? eh di si vp noli ang papalit? waaa!! eh anong gagawin nun dun? harr..baka mas maging worst ang sitwasyon. hay, eniweys, feel ko pa rin na sumali sa tinatawag na blogswarm na gloria resign!!!
thank you nga pala sa mga naka-remember ng bday ko last february 3. touched naman akesh sa mga sms, comments at gifts na nareceived ko. God bless sa inyong lahat. thank you kay ate etzhel for treating me on my special day
kita nyo naman ang dami kong handa! happy to the maxxxxxx’s!
hay…work mode na muna ulit ako. need to study pa para sa mga hearings ko next week. plus board meeting pa sa church this coming sunday. hararu!
sige….bye now! lol!
