Archive for December, 2007

christmas sa opisina

Tuesday, December 18th, 2007

ang aga ng ek ek ek dito sa office. kaya lahat dito natatamad ng magtrabaho. syempre money matters ito at gusto kong mag-litanya:

  • a few weeks ago nagtext ako sa boss asking kung may cash gift ang staff just like last year. kasi this year mas madaming project kumpara last year at sa totoo lang mas pagod kami kaya we believe na we deserve something more aside from the 13th month pay. sumagot naman sya at nagsabi na magbibigay daw sya ng cash gift pero wag ko daw munang sabihin sa mga staff kasi daw gusto nya surprise. after a few weeks we found out na yung kinita ng organization sa nakaraang training na halos 100k na nakadeposit sa metrobank ay ubos na at in fact over draft pa. anak naman ng pusang buntis talaga!!!! i found out na may isang booklet pala sya ng check ng organization kaya of course very obvious naman kung sino ang kumuha. kaya ngayon natatamad  na kami dito kasi ang laki ng possibility na di na magbigay ng cash gift dahil wala ng pera. naalala ko tuloy nung june 2007, after ng training namin, nag-ask kami kung wala ba kaming cash gift at sabi nya meron daw syang ibibigay. syempre natuwa naman kami tapos she went to the office  at nagpabili lang ng KFC bucket meal. hello? yun lang?? well, thank you na rin sa libreng meal pero jus ko naman, eh mas mahal pa nga sa KFC ang binibili naming lunch. hayyyyy.
  • kanina lang pagdating ko i found out na yung isang account naman ang over draft kaya sumasakit na naman ang ulo ng aming mga accountants. ang siste pa mukhang mahihiram pa ng opisina yung pinatago kong pera na remnants ng aking maliit na 13th month pay. wala na daw kasing pera sa opisina. tinanong ko sila kung alam ba ng boss at syempre alam na daw at galit pa ang lola. sya pa galit? nyeta!
  • balik tayo sa issue ng cash gift, aba tumawag daw ang boss sa finance officer at sabi daw eh bigyan sya ng proof kung talagang may binigay syang cash gift last year at kung magkano. o di ba? lalo tuloy umiinit ang ulo at kili-kili ko dito sa opisina. lintsak! kung ayaw magbigay eh di wag. kung ano-ano pang kaartehan eh. nanghihinayang ba sya na bigyan ng kahit konting limos ang mga empleyado nya na kakaunti lang pero nakakadeliver ng maayos sa mga tasks na naka-assigned sa kanila? o natatakot sya na mabawasan ang pera na ibibigay nya sa kanyang unico ampon iho? o baka naman wala na kasing pera at nagastos na kaya naghahanap ng lusot o delaying tactics?

sa totoo lang, nakakapagod na talaga ang lantarang pangungurakot ng boss ko. hindi ko na talaga masikmura. dati kasi medyo discreet pa sya eh pero lately grabe na ang pagka-bulgar. ang sakit lang personally on my part kasi i truly believe sa advocacy ng organization. here we are promoting transformative leadership and citizenship pero if you look closer yung mismong boss is not practicing what she preaches. ka-plastikan lang lahat. kunwari non-profit pero yung boss for profit.

mahirap na lang magsalita eh, pero the organizations are practically sustaining the boss’ family. office ang nagbabayad ng kuryente nila sa bahay, telephone bills, credit card bills na laging overlimit, mobile phone bills nilang mag-asawa, load ng anak nya, sweldo ng drivers nya, grocery, cable tv at kung anik anik pa. galit pa yan pag di nabayaran agad. granted na 50k ang sweldo daw nya per month pero jusko if you look at her advances, more than 50k in a week. grabecious itesh!

iniisip ko na lang na kahit naman ganito ang eksena sa opisina may reason pa rin naman para ngumiti. anyway, we still have each other ika nga, suportahan na lang.

sa friday daw ang christmas party este christmas dinner namin. supposedly doon daw nya ibibigay ang cash gift kuno. kaya wait and see na lang ang drama namin.

i’m taking these things as signs na talagang dapat na akong umalis sa NGO work at magconcentrate na lang sa aking law practice. hindi na talaga kaya ng powers ko ang garapalang pagnanakaw dito sa opisina.

eto nga pala ang mga christmas wishes at gifts ko sa aking mga opis meyts:

  • sa director for operations: sana naman ma’am bawas-bawasan nyo ang pag-inom ng kape ha. grabe at your age di pa rin kayo nagmemellow. queen of panic pa rin ang drama ninyo. hay. kaya para sa inyo ang regalo ko ay isang box ng tranquilizer pills na magagamit nyo para hindi kayo magpanic sa nalalapit na global congress. sasamahan ko na rin ng isang box na pink pills na makakatulong sa inyo ng inyong husband. hot at 72! uyy!
  • para sa cook: isang box na "reveal all capsules" para you can come out na in the open. sasamahan ko na rin ng gift certificate sa reyes haircutters para sa isang total make over. the cook is now a lady chef. what a transformation! apir!
  • para sa supervisors/shareholders ng hostel: hinay hinay lang kasi baka malaman ng amo ang mga ginagawa nyo eh bigla kayong ma-impeach. and sana naman wag nyo kaming pakialam kung gusto naming maglunch ng 11 am. tse!
  • para kay manang diday: i lab ya mader! ang regalo ko ay isang box na "katapangan at kasipagan capsules" para naman lumakas na ang loob mo at hindi ka na pumayag na apihin ng mga utaw sa paligid mo. at sana naman magka-bf ka na ulit. ilang taon na ring naka-rest in peace si fafa mo. bongga! tara na rumampa na tayo!
  • para kay ate mac: i lab ya din my dear!!! ang gift ko ay isang box ng "tatagal ka pa" capsules para ma-sustain mo ang energy mo from duty to bed. ay!!! wala  naman akong masabi sa dedication mo sa work eh and thanks sa support at sa pakikinig sa mga litanya ng aking makulay na buhay!
  • para kay ate finance officer: bibigyan na rin kita ng "tatagal ka pa" capsules at sasamahan ko pa ng "more patience" tablet kasi i know madalas kang pestehin ng boss. i wish lang na this christmas eh bigyan ka na nya ng gift at sana naman yung mga gift na bigay sa iyo ng mga shofatid nya eh hindi na nya palitan ng alarm clock from duty free. lab ya!
  • para kay ms soon to be wife: alam kong excited ka sa nalalapit na wedding and i’m really happy for you. konting patience pa my dear and i hope na ma-appreciate naman ng boss yang mga ginagawa mo at hindi na lang laging yung mga mali mo ang nakikita. wala akong makitang bagay na capsule sa iyo dito sa aking mahiwagang medicine cabinet. hay. lab ya!
  • para kay ms bunso: stay pretty and patient my dear at i believe na tama ang decision mo na wag mag stay ng matagal sa organisasyon. bata ka pa at may potential na mag-excel sa iyong profession kaya explore mo yun my dear. at ang fafa i’m sure malapit na yan dumating kaya ituloy lang ang pagpapa-pretty ever. lab ya!
  • para sa mga bagong staffs: goodluck sa inyong 2. sana makatagal kayo kahit 2 months lang. bwehehehe. "clarity pills" ang regalo ko sa inyo para matauhan na kayo at maghanap ng ibang work place. ayos!
  • para sa boss: i hope ma-appreciate nyo ang loyalty ng mga natira nyong staff at ma-realize nyo ang value nila. and sana marealize nyo din na hindi lang sa pera nabubuhay ang tao.

o di ba? as i’m writing this chuva chu chu, eh tumatawag ang isang karen ek ek at ipapa-aresto daw ako bukas dahil sa aking delayed payment sa hsbc. as if naman natatakot ako. try me!

ang saya talaga ng araw na ito!!!!! merry christmas!!!

wanted: desk clerk

Monday, December 10th, 2007

Ang Manila International Youth Hostel (MIYH) or mas lalong kilala na ystaphil ay ang main hostel ng International Youth Hostel Federation sa Pilipinas. take note, NGO daw ito kasi ang may-ari nito ay foundation. yun ay sa papel lang. ang totoo pag-aari ito ng isang NGI o non-government individual. ang hostel ay non-profit pero ang may-ari for profit. jusku day!!!!!

heto pa ang cliche dito, may isa pang NGO kuno na naka-house ang office sa MIYH kaya yung accountant ng second NGO ay desk clerk at bookkeeper din ng MIYH. pero ang sweldo nya for the price of one job lang.ang tawag daw dyan multi-tasking sabi ng NGI na may-ari pero ang sabi ko naman…kagulangan na yan!!! dufang!!!!! grrrr!!

at syempre ang mga bagong saltang empleyado ay hindi makatagal sa abusadong pamamalakad ng may-ari kaya sunod-sunod na nawala. syempre nag-hire na naman ng bagong staff, desk clerk to be exact. at ang sweldo nya….hold your eggs….P100/day na training fee….pusang buntis talaga!!! meron bang ganun??? eh kulang pa na pamasahe at pangkain yun eh. jusku!!

hay. naloloka ako sa mga turn of events. natatamad ako. sobra na talaga!!!! grrrrrrrr!

sa mga nakaraan at darating pang mga araw

Monday, December 3rd, 2007

nakakaloka ang mga turn of events nitong mga nakaraang araw. may masaya, may malungkot, may nakakagulat, may nakakainis. hay.

ilang araw na akong nagba-blog hopping at parang feel ko na lumipat na ng blog host. kaya watch out for my new blog site. di pa ako makadecided kung blogspot, wordpress or yahoo 360. pero syempre ipopost ko ang link dito.

yan na muna for the moment. wala ako sa mood magsulat. (read: tinatamad ang beauty ko!)