Archive for August, 2007

simple pleasure

Friday, August 24th, 2007

mababaw lang naman ang kaligayahan ko. katulad ngayon, happy ang mood ko kasi i’m enjoying the taste of my paboritong candy….Peter’s butter ball..swawaaaap!!  Butterball

ang nawawalang passbook

Wednesday, August 22nd, 2007

back to work na ang beauty ko. hay 2 days din akong na-love-nat as in. medyo di pa nga okey ang beauty ko eh pero oh my gooler parang lalo akong magkakasakit sa house kaya may-i-sugod na ako sa aking workplace kasehodang masuka-suka pa ako sa hilo.

hay, at syempre pagdating ko dito sa office sumalubong sa akin ang isa na namang issue na may kinalaman sa kaperahan. last last week kasi may-i-go sa baguio ang aming finance officer so ang aming boss ay nag-request na ibigay sa kanya ang passbook ng organization’s dollar account (na at that time ay may lamang 8,000 US dollars). syempre baka kasi mangailangan sya ng datung so kung nasa kanya ang passbook, withdrawal and money transfer will come handy. take note ha, kung SIYA ang mangangailangan ng pera not the organization, pero ang malaking ek ek ek dito, ang account ay account ng organization at hindi nya personal account.

so nung bumalik na ang finance officer, may-i-ask na sya ng passbook and toink…..nawawala daw ever! so mega-hanap ang effishit este efficient na secretary ng boss ko sa house nya pero wa di makita ang passbook.

so, kanina may-i-go ang aming finance officer sa bank para ayusin ang nawawalang passbook at muntik na syang nahimatay kasi she found out na ang aming mahal ng boss nagtransfer ng dollar from the organization’s account to her personal account and guess kung magkano? 5,000 US dollars lang naman!

anak talaga ng pusa! buti naman nagtira pa ng konti para sa organization. hay grabe! garapalan na talaga ito! so, very obvious tuloy na hindi naman talaga nawala ang passbook, at mukhang gusto lang ng boss na itago sa amin ang pagkuha nya ng pera sa account ng organization. pero my gulay naman, di naman kaya kami tanga, eh makikita naman kaya sa bank yung record ng transaction. ano vash!?

o devah! grabe, somehow i pity her kasi biro mo kung wala ang NGO na itesh eh wala na syang pera ever. nakakalungkot lang na yung organization non-profit pero ang executive director for profit.

hay painumin ko kaya ng kape tong bossing ko para magkaroon naman ng kahit konting nerbyos!!!!! kalyka ever!

nakaka-lykang boss

Thursday, August 2nd, 2007

hay grabe as in gusto kong mag walk-out dito sa office.

ang latest addiction kasi ng boss ko ngayon ay ang mag-extract ng email addresses pagkatapos ay padalhan ng email. nagpabili sya ng email extractors at mass emailers at kasehodang na-virus at spy ware ang mga computers namin, deadma sya. ang resulta,  mega-imbyerna ang mga utaw na napadalhan ng emails at may-i-request na remove sila sa list. grabecious! at worst pa dyan napagkamalan pang "spam" ang aming organization’s email addresses. kabwiset.

at dahil sa 2 big event na ino-organize sa ngayon, ang international training sa 2007 at global congress sa 2008, mega panic na naman sya at gustong maka-extract ng madaming email addresses para ma-invite. syempre pag madaming nag-attend madami din syang kita este yung organization pala.

so ang siste, nagpapa-apply sya ng 2 telephone lines, pero ang catch dito, gusto nyang palabasin na residential kaya ipapangalan daw sa 2 finance staffs. ang kapal ng muks di ba? grabe nakakaloka. di ko talaga kinaya. syempre mas maliit ang babayaran pag residential kesa commercial na phone line. pati ba naman PLDT lolokohin. i told my officemates na wag pumayag na gamitin ang name nila sa panloloko.

so eto ako at nawalan na nang gana magwork. i’m suppose to finish updating the organization’s website today pero naiinis ang beauty ko. di ko na talaga masikmura ang mga unethical practices ng boss ko.

our organization advocates for transformative leadership and citizenship. transformative meaning opposite the usual transactional leadership and citizenship. pero holler sya mismo ang hindi gumagawa nito. grabe talaga. she’s not practicing what her organization is preaching. nasan ang transparency, honesty, accountability–gosh, wala, grabe.

lalo na tuloy akong nawalan ng gana sa kanya. i really need to leave this organization. sobrang di ko na masikmura ever.

hay. grabe. karma karma turuan mo ng leksyon si bossing. faster faster. as in.