NGO is a good business…
Monday, July 16th, 2007….yan ang natutunan ko sa aking boss este NGO work experience pala. first time ko lang magwork sa NGO and talagang na-impress ako sa advocacy at mission ek ek vision… pero para din pala tong lawyering…..meaning iba ang theory sa practice…iba ang sinasabi sa ginagawa.
sa law school, sobrang ideal at sobrang organize yung mga theories at nung nag-aaral pa ako, grabe, sabi ko sa sarili ko ang galing naman, kung magwowork talaga sya as organized and as proper ng nasa book, eh di ang ayos pala ng judicial system. pero, when i became a lawyer, at na-expose na sa law practice—–sa totoong battle, nalungkot ako, kasi ibang-iba pala, ang laki ng pagkakaiba.
nung unang mga months ko ng practice, i was just so excited to apply what i’ve learned sa law school pero i was branded as "bookish" at nahalata agad ng mga panyero at panyera ko na "bagong lawyer" ang beauty ko. then i was told, guide lang yang mga theory na yan, sa lawyering sariling diskarte ang importante, kailangan mag-pr, makipagkilala, makipagnetwork, mas importante ang "whom you know than what you know". grabe, nakaka-sad. and now that i’m on my 2nd year of practice, namulat na ako sa katotohanang yun, ang laki nga ng pagkakaiba, and siguro yun na talaga ang kalakaran sa propesyong pinasok ko, i just have to live with it. hay. wish ko lang sana i could make a difference in my own little way.
back tayo sa NGO ek ek…well, as you know ang NGO o non-government organization, madami yan sa Pilipinas at they tend to specialize. may NGO na para sa environment, may para sa law, may para sa sustainable development at kung anik anik pa. yung NGO ko ay for women at hindi lang basta women ha, women in politics. oh devah bigat!
when i applied back in 2002, wala lang, di ako seryoso, that was the time na naging interesado ako sa internet at nakita ko nga yung ad for web researcher. nagsend ako ng resume at nagulat na tinawagan pa ako ng executive director. after 2 interviews aba pasok na ang beauty ko at kasali na agad sa staff meeting.
sa mga unang buwan ko sa work, doon ako unti-unting na-orient sa NGO work, sa advocacy nung organization, sa mga activities ng organization and i got really excited. sabi ko sa sarili ko, "wow, ang exciting naman ng work na itesh". naisip ko na sa work na ito hindi lang ako kikita kundi magagawa ko pa yung duty ko sa society. from being a web researcher naging program officer ako.
since NGO nga, we get money from donors or we develop our own projects like training tapos we ask participants to pay training fees. di naman kami subject to audit although we have to submit some papers sa SEC at BIR.
pero ang downside, since NGO may excuse ang boss para hindi magbigay ng malaking sweldo kasi nga NGO daw so walang pera blah blah buti nga bayad naman ang OT kaya ok na rin. sa case ko, of course, i negotiated couple of times para magkaroon ng increase at in fairness sa boss, she gave my increases.
sa NGO work ko natutunan ang salitang ngarag, meaning windang sa dami ng trabaho at ang term na walang tulugan hindi si kuya germs ang naunang gumamit nyan, ang mga NGO daw!
tapos dito sa NGO na sinasabi ko, understaff kami kasi nga wala daw pambayad ng madaming staff kaya ang term na ginagamit "multi-tasking" which is a more better term than overworking the staff. pareho lang naman yan. hay. play of words lang. ang ibig sabihin lang, ang isang staff ay magtatrabaho ng trabaho ng 3 staff for the price of one, o devah, napakagaling.
take the case of my technical staff, when she was hired, sabi yung website daw ang gagawin nya, so i thought yun nga lang kasi newly grad at neneng-nene pa from the province, pero syempre since smart ang staff ko at fast learner, di lang website ang pinagawa, naging admin staff ko sya, logistics coordinator at kung ano ano pa at yan ay aside from her work talaga as technical staff and she’s paid for an amount na above minimum naman pero definitely not commensurate sa mga ginagawa nya.
yung ED namin, may salary na 50k per month pero may mga advances sya na minsan mas malaki pa sa sweldo nya. the organization also pays for her credit cards (kasi ginagamit namin yun to pay for our website hosting at purchase ng mga softwares online) ang funny thing doon, we pay it in full, pati yung mga binili nya sa MOA, mga food bills ng family nya, at take note, charge yun na advances pero as usual, nagiging charge to experience. hay.
kapag may training or conference, syempre meeting meeting ang drama. naku dito sa NGO yan ang isang bagay na dapat masanay na kasi mautot lang may meeting, may ganito lang, meeting, hay. kakasawa at kakapagod at waste of time lang kasi paulit-ulit lang ang pinag-uusapan. and ang napapansin ko lang, tuwing meeting lalo na kung may involve na payment of training fee, hindi maiwasan ng boss na di mabanggit yung word na "kita", "kailangang kumita" and sa utak ko, may malaking tanong "teka di ba non-profit bakit kita ang pinag-uusapan". di ba dapat secondary lang yung kita? ang mas importante eh yung content ng training, yung facilitation ng training, yung mechanics to make sure na may matutunan ang mga aattend. hay.
oo naman, kailangan may pera para sa overhead ng opisina, pero minsan naiisip ko, yung boss lang ang kumikita eh. kasi pag may nagremit ng training fee, transfer na agad sa personal account nya—as advances. kami—the hardworking efficient staffs—naks—ang kita namin—basic pay plus overtime lang.
madami pa akong expose sa susunod na blog ko…i’m doing this kasi talagang di ko na masikmura ang mga nangyayaring ito sa aking organization.
ironic kasi we are advocating for transformative leadership and citizenship pero di naman napa-practice
basta narealize ko lang, magandang business ang NGO—formulate ka lang ng magandang vision/mission, design ka ng mga programs at projects, hire ka ng 3 staff na gagawa ng trabaho ng 6 na tao, tapos utuin mo ang mga funders, tapos gamitin mo ang kita for your own use, tapos magpretend ka na you are for the development of the country, for the furtherance of your advocacy—lusot ka na.
kaya ang ambition ko ngayon—–magtayo ng NGO bwehehehehe!
hay! kaka-lyka ever!