Archive for March, 2006
may 2004
Monday, March 20th, 2006i was surfing the net for a picture of the famous "black and white" t-shirt worn by former DSWD Secretary Dinky Soliman when she was arrested at Baywalk when Google brought me to this page http://manila.usembassy.gov/wwwhr293.html. it was the US Embassy’s feature/photo page on the Afghanistan’s Preparation Committee for Domestic Election Monitoring (PCDEM). Hmm…just remembered that this project was sponsored by the US Embassy in Manila, the National Democratic Institute (NDI) and NAMFREL. It was held last May 2004, just in time for our 2004 elections.
I was really happy that i became a part of that activity, representing CAPWIP. It was actually my first time to become a "resource speaker" to a foreign delegation and was really honored to have shared the panel with NAMFREL Chair Joe Concepcion Jr, Ms. Ruth Urry, of the US Embassy in Manila and then DSWD Secretary Dinky Soliman. I was also very happy to have met Mr. Telibert Laoc, who used to be with NAMFREL, but now with the NDI in Afghanistan.
Memories..memories..memories
Philippine Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman (left) and Ms. Leah Joaquin (middle), a representative of a youth group participating in monitoring the May 10 elections, engage in a round table discussion on Afghan-Filipino election insights, held on May 12 at the Holiday Inn in Manila.
http://manila.usembassy.gov/wwwhr293.html
paranoia…GMA Style
Saturday, March 18th, 2006Hala! Na-paranoid na yata ang gobyerno natin. Ginulantang ako ng nakakalokang news na ang aking idol na si ex-DSWD Secretary Dinky Soliman ay inaresto sa Baywalk kahapon. Buti na lang na-release din siya after midnight, pero for further investigation naman. Ano daw ang offense ng aking idol? Well, she violated BP 880 daw o yung Public Assembly Act. Maglulunsad daw kasi ang "Black and White Movement" sa Baywalk ng isang "flash protest". At eto pa ang nakakaloka sa lahat, ang isa pa daw reason kaya inaresto si Dinky ay dahil sa suot nyang black and white t-shirt na may nakasulat na "Patalsikin na. Now na". O devah grabee sa pagka-paranoid!!!! Nakuuuu! Pero before this arrest, di ba may isang "hooded witness" na nagsabing si ex-Sec. Soliman ay nakipag-sabwatan sa mga rebelde para patalsikin si GMA? At sumisigaw ang headline sa tabloid, "Hooded Witness Fingered Soliman" grabee..
At ang forever crush ko na si Sen. Gringo Honasan, hayun, wanted na, at may reward pa na 5 million sa sino mang makakahuli sa kanya. Ha ha ha. Tingnan na lang natin kung mahuhuli nyo nga. Goodluck!
Hay..sunod-sunod na ang manifestation ng pagka-krungkrung ng lola..nag-umpisa lang yan ng mag-acting ever siya sa tv with her matching script.."I am sorry"..dahil nabuko ang kanyang "calling-calling" hello gwen garci. Pero sa kabila ng mga protesta, may-i-kapit tuko pa rin siya sa kanyang position ever. This ay sa kabila ng sumisingaw na truth sa legitimacy ng kanyang presidency at hayun nung nakita nya siguro na dami ng duda, lumabas na ang true color, as in. At ang mega manifestation na nga ng paranoia na yan ay ang declaration ng state of national emergency aka Proclamation No. 1017 noong February 24. Base daw ang proclamation na itesh sa Art. 12 Section 17 ng ating Constitution. Ang justification ng declaration na itesh ay dahil daw sa "alliance of communist rebels and military adventurist aimed at toppling her". Wow ha! Please explain further.
Syempre, pinadalhan ako ng aking good friend na si Atty. Zai ng kopya ng kontrobersyal na proclamation na itesh at puwede nyo ring basahin sa website ng PCIJ http://www.pcij.org/blog/?p=629. Hay, wait na lang natin ang sasabihin ng Supreme Court kasi devah may petisyon na tungkol dito.
Shortly after the proclamation, kumilos na agad ang pulisya para isagawa ang pag-aaresto sa mga taong tingin nila ay mga elementong nais na pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon. Syempre inuna ang opisina ng Daily Tribune, inaresto si Ka Crispin Beltran, hinarass si AKBAYAN Congresswoman Rissa Hontiveros Baraquiel at ang pagbibintang sa 5 party-list representatives ng rebelyon.
At kahit na nga na-lift na ang declaration na itesh eksaktong isang linggo pagkatapos i-deklara, wala rin, tuloy-tuloy pa rin ang warrantless arrest at ang paranoia ng GMA administration..feel na feel pa rin ever. Nakakaloka at nakakalungkot talaga ang mga turn of events. Pilipinas..game ka na ba sa ganitong laro!?
Waahhhhhhhh! Nanakaw ba naman ang aking 3200 noong March 15. Hay. Ang nakakaloka pa dito may i-tell ako sa isang friend about it at muntik na ako mag-collapse sa statement nya, kasalanan daw ni GMA kasi ang hirap na ng buhay ngayon, poverty ang ugat kaya nakakapagnakaw ang mga tao, at yun nga dumarami na ang magnanakaw ng cellphone. Korupsyon daw ang ugat nito kasi yung pera para sa bayan ay kinurakot na. Si GMA ang may kasalanan kaya nanakaw ang Nokia 3200 ko kaya dapat mag-resign na siya. Hay. Na-stress ako sa trulili lang. Of course, wala itong kaugnayan sa Proclamation No. 1017, may-i-singit lang po ha ha ha.
Uyy! Solicitor General na ang aking Political law Professor and Bar Reviewer na si Cong. Nachura!!! Hmm..grabe itesh. Na-remember ko pa ang mga review class ko sa kanya as in memorize nya ang Phil. Constitution at ang mga cases (sa book nya of course). Congrats po!

