Archive for January, 2006

wala lang

Monday, January 9th, 2006

ay grabe…happy new year na…2006 na…bilis talaga ng pahanon…

goodbye 2005.thank you sa mga memories.hay…daming relatives ang "kinuha" na ni LORD last 2005…tita auring, tita lily, tito osias, my cousin Elmer (na hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na mamamatay ng ganoon ka-tragic), tito rod (na hindi man lang namin nakita kasi sa USA namatay), tita vilma (na namatay sa Baler) at pati pets, namaalam din–si poochie at ang aking mahal na si l’emonge…

ang pinaka-life changing na event for 2005 ay of course nung ako ay naging isang ganap na ABOGADA..as in…isa sa pinakamasayang araw yun sa buhay ko..grabe…April nung finally ni-release ang results ng 2004 bar exams at yehey…i passed…si LORD talaga grabee….na-remember ko pa yung oath taking ko sa PICC..at ang testimonial dinner ng IBP Bulacan Chapter…take note..kasama ko sa IBP Bulacan Chapter ang 3 sa 10 topnotchers ng 2004 bar exam…sosyal devah!!

2005 din nung nabuo ang isang acoustic Christian group..ang Circle of Friends…initially, the group was formed para maging in-house band ng aCROSStic Christian Cafe, ang kauna-unahang Christian Cafe sa Sta Maria Bulacan. The group started na pakanta-kanta lang sa mga IRM Churches sa Bulacan tapos biglang na-invite na sa ibat-ibang Christian Cafes sa Metro Manila. Ngayon kahit papaano eh kilala na yung grupo bilang pioneer Christian Acoustic group sa District II ng IRM Bulacan. Last January 1, the group became part of a fund raising activity called "FUSION: UNITED WORSHIP". The activity was for the benefit of the IRM Missions.

Yung mga nagbabasa ng blog ko, hmm..meron nga kaya? :)  paki-visit..as in please lang po..he he he..find time to visit this site, http://loveanover.tripod.com. Website po yan ni Ms. Love Anover ng GMA 7 (oy hayan ha YAKU, na-plug ko na, bayad mo?)

Anong mga supresa, kwento at lungkot kaya ang dala ng 2006? ay basta anuman yun, pray pray pray na lang..HE is in control naman eh…so anuman ang darating at mangyayari ngayong 2006 sure me DIYAN lang si LORD..hindi yun mang-iiwan…

Ay salamat nga pala sa mga nagbasa, nag-react at natuwa sa "blog in photos" ko. sige next post maglalagay ulit me ng pictures..salamat..i’m out of here… :)